Hihiling

436 5 0
                                    

kitang-kita ang kinang
mga bulalakaw sa kalangitan
mga pangarap
unti-unting nadadagdagan
bigla-biglang naglalaho

sabi ng iba
huwag na sumambit
mga kahilingan walang katuparan
mga bulalakaw
sa kalangitan matagal na ang lumipas

aasa pa rin at hihiling
kahit pa dumilim
kahit pa parang imposible
baka sakali
wala namang masama

Itutula KoWhere stories live. Discover now