Para Sa'yo ( 15 )

939 23 0
                                    

titiisin ko bawat segundong lumilipas
na wala akong naririnig mula sa'yo
titiisin ko bawat araw na lumilipas
na wala akong nalalaman mula sa'yo
titiisin ko bawat menutong lumilipas
na parang wala lang ako sa'yo
titiisin ko bawat buwan na lumilipas
na parang hindi mo ako kilala

nanaisin ko na magtiis
kaysa tuluyan kang mawala
nanaisin ko na magmukhang tanga
kaysa tuluyan kang mawala
nanaisin ko na magpanggap
kaysa tuluyan kang mawala
nanaisin ko na magpakatatag
kaysa tuluyan kang mawala

Itutula KoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum