Kung Pwede Lang

766 10 0
                                    

kung pwede lang balikan ang mga alaala
muling mabuhay sa mga panahong nagdaan
at muling madanasan ang mga nakalipas
kung pwede lang balikan ang mga alaala
kung saan ako'y malaya pa
kung kailang ako'y masaya pa
gagawin ko
pipiliin ko
kung pwede lang balikan ang mga alaala
nuong maganda pa ang ihip ng hangin
at maliwanag ang paligid
hindi gaanong madilim ang mga ulap
hindi gaanong mabigat ang bawat araw
may hamon na sitwasyon pero kinakaya
kung pwede lang sana
mabalikan ang mga alaala

Itutula KoWhere stories live. Discover now