Ito Ang Sumisira (Sa Atin #1)

912 11 1
                                    

isang minuto na ang lumipas
dadalwa pa lang ang humanga
sa status mo na sobrang haba
pagtingin mo sa iyong instagram
tatatlo pa lamang ang mga user
na nagustuhan ang bagong
upload mo na litrato
may isang kumento,
"ang ganda mo talaga"
lumipas ang isa pang minuto
napag-isipan mo na bisitahin
ang twitter mo
may ilang retweets na
oras nanaman para magtweet ka
ng ikaaaya nila

isang araw ang lumipas
nalulungkot ako
talagang iyan ba ang pinagkaka-abalahan mo
iyan na lang ba ang mahalaga sa iyo
ang puri ng iba
kung paano ka nakikita ng iba
iyan ba ang hangad mo
makuha ang atensyon ng lahat
iyan ba ang ikasasaya mo
bilanggo ka
bilanggo tayo
walang buhay ang gumiginhawa
pag hindi nagpapakatotoo
walang tao ang lumalaya
pag hindi kayang magpakatotoo

Itutula KoWhere stories live. Discover now