Ang Huling Pagkakataon

6K 160 0
                                    




Ito na ang huling pagkakataon mo
Para itapon ang lahat ng sama ng loob
At sabihin ang mga salitang hinding-hindi mo masabi.

Ito na ang huling pagkakataon mo
Para akuin ang lahat ng kasalanan
At humingi ng tawad sa mga maling nagawa.

Ito na ang huling pagkakataon mo
Para ibigay ang lahat
At ipakita ang dapat.

Ito na ang huling pagkakataon mo
Para hindi mag-alinlangan
At maglaan ng oras.

Dahil kung para sa'yo ang sama ng loob
Ay kinikimkim pa rin,
Patawad ngunit hindi na kita babasahin.

Dahil kung para sa'yo
Ang pag-ako ng kasalanan at paghingi ng tawad ay kahinaan,
Patawad ngunit hindi na kita mahahangaan.

Dahil kung para sa'yo
Ang lahat ay salitang wala pa rin ang katumbas,
Patawad ngunit alam ko ako'y naging sapat.

Dahil kung para sa'yo
Ikaw lang ang dapat pinaglalaanan ng oras,
Patawad ngunit kaya ko rin mag-alinlangan.

Patawad sapagkat hindi mo na makita ang aking halaga.
Ako'y maging masama man sa iyong paningin o ng kung sino man,
Patawad dahil ito na ang iyong huling pagkakataon, maniwala ka ika'y minahal talaga.

Itutula KoWhere stories live. Discover now