Ako Ay Filipino

1.1K 14 1
                                    

Isang tula na inilikha namin ni @_jhenjhen

Ako ay kulay kayumanggi
At kahit ito'y aking ipinagmamalaki
Sa isip ko'y sumasagi
Ano ba ang pakiramdam na maging puti?

Pagtingin ko sa aking paligid
Ang daming tao pa rin ang tila ba'y aliping sagigilid
Mula sa lenggwahe hanggang sa mga kantang sumisikat
Bakit ba tayo sa lason kumakagat?

Ang kontinenteng Asya ay nararapat lamang na ipagmalaki
Dahil dito tayo ay nakasapi
May agimat ang dugo ko
May halaga ang nasyon ko

Ako ay Filipino
Kapantay lang ng kahit na sino
Hindi lamang
Ngunit hindi rin mababa sa kahit na anong uri

Itutula KoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant