Para Sa'yo ( 27 )

755 14 0
                                    


hindi ko maintindihan ang sarili ko
inuuna pa kasi kita
sobrang bigat na ng nararamdaman ko
pero mas iniisip kita

kamusta ka na?
ayos ka lang ba?
masaya ka na ba?

hindi ko rin alam
ano pa ang inaasam
siguro ay ang makapiling ka
kahit alam ko na imposible na

kamusta ka na?
ayos ka lang ba?
masaya ka na ba?

patawad kung nagkulang ako
o hindi kaya'y nasobrahan
hindi ko naman nalaman
sapagkat umalis ka ng walang paalam

Itutula KoWhere stories live. Discover now