Para Sa'yo ( 36 )

536 6 0
                                    

hindi maalis sa isipan
ang bawat pinagsamahan
kahit pa panaho'y nagdaan
bigkis ng mga kamay
pagkurap ng mga mata
ang pakiramdam ng iyong labi
nuong ito'y lumapat sa akin
na parang ako'y tinamaan
tinamaan ng kidlat
dinamdam at napagtanto
ako'y nalintikan
ito ba ay sumpa
o isang enggrandeng surpresa
hindi maalis sa isipan
ang bawat pinagsamahan
kahit pa panaho'y nagdaan
lahat ng oras na nilaan
sa mga late night phone calls na yan
lahat ng napag-usapan
mabibigat man o magagaan
hindi makalimutan
hindi mabitawan
parang ang mga pangakong
ipinaalam, "mahal na kita"

Itutula KoWhere stories live. Discover now