Itutungga Ko Yata Ang Bote Ng Alak Na'to

4K 106 1
                                    

Note: medyo senswal.

Sari-saring bati mula sa mga kaibigan
Saliw sa indak ng mga bisita
Mga katawang naglulundagan
At mga labing nagpapaspasan
May malakas na tugtugin matapos ang bigayan ng regalo
Ang sikat na kantang High ng Tove Lo
Yan ang naririnig at nakikita ko ngayon.

Isa pa, lagok.
Isa pa, bagsak ng baso.
Isa pa, itutungga ko.
Isa pa, lunok.

Naluluha ako ngunit ayoko
Sa harap-harapan ko
Sinasayaw ka ng utol ko
At sinasayawan mo ang bestfriend ko
Na siyang nasa tabi ko
Sino ba talaga, Aermaña?
Sa mismong kaarawan ko pala ito ang handog mo.

Isa pa, lagok.
Isa pa, brandy naman.
Isa pa, itutungga ko.
Isa pa, matapang na martini.

Tinuring kitang iba
Hindi pa kita ganon kakilala
Aermaña, ganyan ka pala?
Masakit man at mapait sa lalamunan
Lahat ng iniinom ko
Mas masakit pa rin
Ang nakakalinlang na alindog mo.

Itutula KoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu