Masisisi Mo Ba, Akong Tao Lang?

811 13 0
                                    

nanghihina ako
alam ko mayroong iba
na nahihirapan din
at maaaring
nasa mas nakakalungkot
na sitwasyong
ngunit hindi ba
kanya-kanyang kapabilidad tayo?
kanya-kanyang haba ng pasensya?
kanya-kanyang lakas?

hindi ko naman ginusto ito
sino ba ang sasaya
sa isang bagay
na sarili mo
ay hindi maintindihan
hindi ko naman sinasadya ito
ngayon
masisisi mo ba ako?
sisisihin mo ba ako?
gayong alam mo na sinisisi ko na ang sarili ko?

may mga bagay
na hindi mo alam
bakit mo ba ito kailangan
may mga tao
na hindi mo alam
bakit mo pa kinakapitan
at may mga dahilan
na hindi mo alam
para saan ba talaga
bakit? bakit? bakit?

nanghihina ako
pagod na ako
pasensya na
tao lang

Itutula KoWhere stories live. Discover now