Sana Ngayong Pasko: Tula #3

388 2 0
                                    

sana ngayong araw ng pasko
magisnan ang iyong mukha
kahit pa hindi ito gaanong maamo
kahit nga may mga muta pa sa iyong mata

sana ngayong araw ng pasko
ang mga yakap mo ay sana madama
sabik na sabik na ako sa pagmamahal mo
sasabihin ko rin na mahal na mahal kita

sana ngayong araw ng pasko
kahit hindi magarbong damit ang suot ko
matuwa ka sa iaalay na regalo
sarili ko, simple man pero para sa'yo

sana ngayong araw ng pasko
mapasaya kita, yun ang dalangin ko

Itutula KoWhere stories live. Discover now