Para Sa'yo ( 41 )

478 9 0
                                    


hindi nanaman ako makatulog
nagbilang na ako ng tupa sa isip ko
pinilit kong pumikit ng ilang segundo
humihimbang na pero biglang maaalimpungatan
kaya ito ako
ito nanamang muli
inaalala ang bawat pinagsamahan
bawat oras at panahon na kapiling ka
na hindi naman kailan pa'y maibabalik
kamusta ka na kaya
sana masaya ka
ako hindi eh
pero ayos lang
siguro balang araw

hindi nanaman ako makatulog
kaya't ito ikaw nanaman laman ng isip ko
mapapapagod kaya ako
magsasawa ba ako
parang malabo
pero buti hindi imposible

Itutula KoWhere stories live. Discover now