Hindi Laging Nasa Huli Ang Pagsisisi

698 5 0
                                    

namumutawi ang pagsisisi
para sa mga pangarap na binitawan na
ako'y nagsisisi
para sa mga taong kinapitan ko pero tinalikuran ako
ako'y nagsisisi
para sa mga kahilingan na hindi maaabot
ako'y magsisisi pang muli

dilat ang mga mata ko
bakas ang mga luha't pighati ko
sa unan na basang-basa
at panyong lukot na
dilat ang nga mata ko
nabibingi pa ang pandinig
at nagmamanhid na ang pakiramdam
puno na ko ng pagsisisi
minsan kahit sa umpisa pa lang

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon