CHAPTER 1

7.9K 251 386
                                    

CHAPTER 1

Tumalon agad ako sa bakod ng school saka inayos yung damit ko. Tangina nung babaeng yon, nilagyan pa ng hickey yung collarbone ko. Buti na lang natatakpan ng uniform ko kaya di halata eh.

Pumunta agad ako sa cafeteria dahil alam ko namang nandon yung mga patay gutom kong mga kaibigan.

Expected ko namang nagcutting yung mga kupal na to para lang kumain dito sa cafeteria, "Puta mas masarap pa ako magluto dito eh." Sabi ni Jin saka kinain yung carbonara ng isang subuan lang.

Tangina anong klaseng bunganga ba meron to?

"Hoy, mga kupal." Tawag ko saka umupo sa tabi nila. Hindi nila ako pinansin kaya binato ko si Hobi ng tinapay, "Gago di tinatapon yung grasya." Sabi nya saka kinain yung tinapay.

"Edi napansin nyo rin ako eh no?" Sabi ko.

"Ano bang kailangan mong sabihin? Storbo kang pandak ka, kumakain kami dito eh." Sabi ni Rapmon. Pinakita ko sa kanila yung collarbone ko. Sila may dahilan kung bakit may hickey ako tangina kasi.

"Oh shit, congrats!" Sabi ni V. Inapiran nya agad ako kaya tawa na naman kami ng tawa.

"Musta? Sabi sayo haliparot yun eh. Wag kang mag-alala, resbak mo kami kapag binugbog ka ng syota non." Sabi ni Jungkook saka ako kinindatan. Wala akong pake kung may syota yon.

Lahat ng tropa ko nilandi nya, ako na lang hindi kaya ako na gumawa ng first move. Malay ko bang hahalik-halikan na agad ako ni Denise. Nag-iwan pa ng bakas sa katawan ko tsk.

"Wala kayong balak pumasok?" Sabi ni Jin. Umiling kami. Kaumay na mukha nung professor eh.

Biglang kinuha ni Jin yung magazine nya galing sa bag nya at pinagpapalo sa mga ulo namin, "Tumayo na kayo! Tapos na kayo kumain diba? Oh sige, tayo na."

Kung hindi lang mahilig manakit si Jin, hindi namin susundin to eh. Tumayo na kami saka pumasok sa klase namin, late na kami ng 20 minutes sa klase pero pake ba ng prof na to kung late kami.

"You're late." Sigaw nya samin. Hindi ko sya pinansin at diretso na lang ako sa upuan ko. Eto na naman tayo sa ilang minutong Math.

"Hindi kami late, sadyang maaga ka lang dumating." Sabi ni V kaya nabato sya ng eraser nung prof. Naupo na sa tabi ko si V habang kumakain na naman ng lollipop.

"Meron ka pang candy?" Tanong ko kay V. Tumango sya kaya nanghingi ako. Punyeta kumakain sila kanina, hindi man lang ako inalok kumain.

"Meron, eto oh." Sabi nya saka inalis yung lollipop sa bibig nya, "Share tayo dito?" Kadiri talaga tong Taehyung na to puta.

"No thanks."

Natulog na lang ako habang nagle-lecture yung prof sa harapan. Nagising lang ako nung may tumapik sa balikat ko. Napaangat yung ulo ko nung tinapik nya ako. Tangina sino ba tong storbo na to?

"Puta storbo. Bakit?" Tanong ko. Kahit minura ko sya, wala syang pake. Tinuro nya yung bag ko na nakapatong sa katabi kong upuan, "Dyan ako uupo." Sabi nya.

"Nakaupo na bag ko dyan na mas mahal pa sa buhay mo kaya humanap ka na lang ng ibang upuan mo." Sabi ko. Matutulog na sana ako ulit nung bigla nyang hinagis yung bag ko sa sahig.

"Tangina? Di ka marunong umintindi?" Sigaw ko sa kanya kaya napatingin na yung prof samin. Tinititigan lang nya ako na parang wala lang sa kanya yung nangyari. Hayop to walang respeto sa bag ko. Jansport kaya yan!

One Kiss, One Lie | yoonminKde žijí příběhy. Začni objevovat