CHAPTER 5

3.6K 164 137
                                    

CHAPTER 5

Madalas ko nang makausap si Yoongi tuwing magkakasama kami. Pero ganon pa rin naman sya, tahimik pa rin sa iba. Hindi naman pala ganon kahirap intindihin yung ugali ni Yoongi eh.

Sabado ngayon. Libre kaming lumabas ngayon dahil weekends. Ewan ko ba kung bakit gumawa pa ng tanginang rules yung university na to na bawal kami lumabas tuwing weekdays. Wala rin namang pinagkaiba kasi halos lahat ng estudyante dito, nagcu-cutting.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon Jimin?" Tanong sakin ni Jungkook na kakalabas lang ng cr. Tinatamad nga akong umalis ngayon kasi hindi kami kumpleto. Si Jin at Namjoon kasi umuwi sa pamilya nila.

Umiling ako, "Wala akong pupuntahan. Bakit?" Ngumiti naman si Jungkook saka tumango.

"Gala tayo? Tayong dalawa na lang. Wag na natin isama si Taehyung saka si Hobi, magkakalat lang nang kahihiyan yung mga yon." Sabi ni Jungkook. Kaming dalawa lang? Napatingin ako kay Yoongi na nagbabasa lang ng libro habang nakaupo sa kama nya.

Hinagisan ko ng unan sa mukha si Yoongi, "Sama ka samin? Para naman hindi ka taong dorm. Para kang kulang sa araw dahil sa sobrang puti mo eh." Sabi ko kay Yoongi. Napatingin naman agad si Jungkook sakin at halata kong nainis sya. Nagmamagandang loob lang naman ako.

Nakatingin lang sakin si Yoongi habang nakahawak sa ulo nya, "Tangina ang sakit non ah." Sabi ni Yoongi saka hinagis pabalik sakin yung unan. Nasalo ko naman yun kaya hindi ako natamaan.

"Sumama ka na kasi. Okay lang naman sayo Jungkook diba?" Tanong ko kay Jungkook. Tumango lang sakin si Jungkook saka sya bumalik sa cr.

"Okay lang daw. Sasama ka, wag ka na magdahilan." Sabi ko saka hinatak patayo ng kama nya si Yoongi. Tinapik ko yung balikat nya, "Good boy." Sabi ko kaya muntik na nya akong batukan pero nakaiwas agad ako.

Nagbihis na ako ng pang-alis. Ganun din si Yoongi at Jungkook. Lumabas na kami ng school saka nag-abang ng taxi, "Anong gagawin natin sa mall?" Tanong ni Jungkook.

"Gusto nyo ba manuod ng sine?" Tanong ko. Napasimangot naman si Jungkook sa suggestion ko, "Mas masaya pa manuod ng porn eh. Wag sine madaming PDA don."

Oo nga, mas masaya pa manuod ng porn. Wala naman na akong maisip na pwedeng gawin kasi hindi naman kami mahilig bumili ng damit.

Pumara na ng taxi si Yoongi. Sumakay na kaming tatlo don saka pumunta sa mall. Maghahanap lang naman kami ng chix dito, yun naman yung parating gustong gawin ni Jungkook eh.

Nakarating na kami sa mall pero wala pang bumababa samin dahil wala pang nagbabayad. Nagtinginan kami sa isa't-isa, "Ikaw na bahala dyan Jimin." Sabi ni Jungkook.

"Pakyu ikaw nagyayang gumala diba? Ikaw magbayad nyan." Sabi ko sa kanya. Nag-aaway pa kaming dalawa ni Jungkook sa kung sino yung magbabayad sa taxi nung biglang nag-abot si Yoongi ng pera sa driver, "Okay na." Sabi nya saka lumabas ng taxi.

Napailing na lang ako habang nakangiti akong lumabas ng taxi. Ewan ko kung bakit ako nakangiti, munggago lang. Pumasok na kami sa mall saka naglakad lakad.

"Kain muna tayo, gutom na ako eh." Sabi ko kaya pumunta kaming tatlo sa foodcourt.

Nakatingin lang si Yoongi sa menu, "Masarap to." Tinuro ko sa kanya yung pagkain na nakain ko na dati dito. Tinignan nya ako saka tumango, "Sige yun na lang sakin."

Tinignan ko si Jungkook saka binigay sa kanya yung bayad naming dalawa ni Yoongi, "Yung C1 yung samin ni Yoongi. Salamat Jungkook." Sabi ko saka tinapik yung balikat ni Jungkook. Iniwan na namin si Jungkook don sa counter saka naghanap ng upuan.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now