SPECIAL CHAPTER 2

2.3K 98 1
                                    

YOONGI'S POV

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo na magpakita sakin, Yoongi." Narinig kong sabi ni JB galing sa likuran ko. Tinignan ko sya at lalampasan ko na sana sya pero bigla nya akong hinarang.

"Akala mo ba papalampasin ko yung nangyari? Dahil sayo kaya na--" napahinto sya nung nagsalita ako.

"Dahil sakin kaya namatay si Eunice. Matagal ko nang alam yon pero JB, wala kang karapatan na sabihin sakin yan dahil kahit kailan, hindi naging kayo." Sabi ko kaya bigla nya akong sinapak.

Imbes na patulan ko sya, hinayaan ko lang sya na sapakin ako. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito si JB sakin. Mahal na mahal nya rin si Eunice at katulad ko, pareho kaming nawalan ng importanteng tao sa buhay namin.

But I know, it wasn't my fault. Pero minsan, iniisip ko na kasalanan ko rin lahat. Hindi dahil yun yung iniisip ng ibang tao at pilit na sinasabi sakin kundi dahil yun yung totoo.

Kung hindi ako nagpaka-selfish, buhay pa sana si Eunice.

Paulit-ulit akong sinapak ni JB kahit na nakaupo na ako sa sahig at dumudugo na yung labi ko.

"Bakit ba kasi ikaw yung pinili nya? Bakit hindi ako?" Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam kung bakit ako yung pinili ni Eunice. Sana nga si JB na lang yung pinili nya, baka hindi sya nasaktan at hindi sya namatay.

Tinayo ako ni JB pero wala akong pake kung mamatay ako ngayon dahil sa pagbugbog nya sakin, "Ganito ba yung nagustuhan ni Eunice? Hindi ka nga makalaban sakin. Kung hindi mo ginawa yon, edi sana--" tinulak ko sya palayo sakin. Sawang sawa na akong sampalin ng katotohanan na dahil sakin kaya namatay si Eunice.

Nagulat ako nung nakita ko si Jimin at sinapak nya si Jaebum kaya napahiga yon sa sahig.

Nakita ko na lang yung sarili ko na hatak-hatak ni Jimin, "Bitawan mo ko. Kaya ko yung sarili ko, Jimin." Sabi ko pero mas hinigpitan lang ni Jimin yung pagkakahawak nya sa pulso ko.

Nakarating kami sa dorm at umupo na lang ako sa kama ko. Hinagisan ako ni Jimin ng betadine saka cotton buds pero tinignan ko lang yon. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino.

Kinuha ni Jimin yung betadine at cotton buds saka ako sinimulang gamutin. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nya yon at marami syang sinasabi na hindi ko naman sinasagot.

"Akala ko ba ayaw mo sakin? Akala ko ba ayaw mo kong maging kaibigan?" Tanong ko kaya natigilan si Jimin.

"Ano bang magagawa ko kung tropa na rin yung turing sayo ng mga kaibigan ko?" Sabi ni Jimin saka nilagyan ng band aid yung sugat ko.

"Ibig sabihin, magkaibigan na tayo?"

Napangiti si Jimin saka tumango, "Oo nga tangina paulit-ulit ka din eh no." Napangiti ako sa sinabi nya.

And that was the start of our friendship.

Lagi na akong inaalagaan ni Jimin at lagi ko na rin syang kasama. Hindi rin naman pala sya ganun kagago. Akala ko sobrang gago nya pero medyo lang pala.

Dumiretso ako sa faculty dahil pinapatawag daw ako nung music teacher namin.

"Mr. Min, I will assign you to be our school's Music Director." Sabi nung teacher namin kaya nagulat ako.

"Bakit hindi po si Namjoon yung pinili nyo?" Tanong ko. Alam kong gusto ni Namjoon to kaya kung pwede kong ipasa yung ina-assign sakin ng teacher namin sa kanya, ipapasa ko.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon