CHAPTER 15

2.7K 155 52
                                    

CHAPTER 15

"Ayos ka lang, Jimin?"

Nakatingin lang ako kay Yoongi. Gulong-gulo na ako. Bakit ba kailangan pa nyang pumasok sa buhay ko at guluhin yung pagkatao ko? Ayos naman yung buhay ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi ako nasasaktan, hindi ako nahihirapan at mas lalong hindi ako nalilito.

"Nabingi na ba si Jimin?"

Kung magkagusto man ako kay Yoongi... hindi ako handa. Hindi ako handang masaktan. Hindi ako handang mareject ng isang tao dahil sanay akong ako ang nang-iiwan. Kinakarma na ba ako sa lahat ng ginawa ko? Ayoko maging ganito.

"Park Jimin!!" Napatakip ako sa tenga ko nung sigawan ako ni Taehyung mismo sa tapat ng tenga ko.

"Bakit ba? Tangina ang gulo mo!" Sigaw ko sa kanya pabalik.

"Bakit parang wala ka sa wisyo saka bakit ka nakatitig kay Yoongi?" Para atang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako nakasagot sa tanong ni Namjoon.

"May dumi kasi sa mukha si Yoongi kanina eh." Sabi ko at nakita ko yung pagngisi ni Jin sakin.

Ininom ko yung tubig sa baso ko saka nilapitan si Arian. Hindi dapat nila mahalata kung ano yung gumugulo sakin ngayon.

"Gusto mo?" Tanong ni Arian saka tinuro yung buko pandan na kinakain nya. Ngumanga ako saka hinintay na subuan nya ako.

"Ano ka bata? Puta sa harap ko pa talaga naglandian." Sabi ni Taehyung nung nakita nyang subuan ako ni Arian ng buko pandan.

"Anong nangyari sa mga nilalandi mo ha?" Tanong ni Jungkook kay Taehyung saka ngumisi.

"Excuse me, sila yung lumalandi sakin." Sabi ni Taehyung saka nag-pogi sign, "Gwapo ko kasi."

"Sorry, mas lamang ako sayo ng milyong paligo." Sabi ni Jin saka inirapan si Taehyung. Nag-aagawan pa sila sa trono ko na pinakagwapo saming magto-tropa.

"Sige, mag-away lang kayo." Sabi ni Jungkook, "Ang totoong gwapo, tahimik lang."

"At ako yon." Sabi ni Hobi, "Tahimik lang ako diba. Handsomes is humble."

"The fuck." Sabi ni Namjoon dahil sa sinabi ni Hobi. Kaya hindi namin pinagsasalita ng english tong si Hobi, nabobobo kaming lahat eh.

"Aral muna bago pagsisinungaling." Sabi ni Jungkook kaya namura sya ni Hobi ng wala sa oras.

"Mamaya ah, gagawa tayo ng bonfire." Sabi ni Namjoon, "Saka mag-usap usap na rin pala tayo."

"Para saan?"

Napatingin si Namjoon kay Jin saka bumalik yung tingin samin, "May sasabihin lang ako na importante."

Parang alam ko na kung ano yung mangyayari at kung ano yung pag-uusapan namin mamaya.

"Ayos ka lang ba talaga, Jimin?" Tanong sakin ni Arian. Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya sakin, "Oo naman."

"Parang hindi. Pwede mo naman sabihin sakin kung may gumugulo sa isip mo." Sabi sakin ni Arian. Napangiti ako sa sinabi nya pero hindi pa ako handang sabihin sa iba kung ano yung nararamdaman ko. Mahirap makaramdam ng ganito lalo na kung may mga taong hindi mo alam kung tatanggapin ka o hindi.

"Salamat pero hindi ko pa kayang sabihin sayo." Sabi ko saka hinawakan yung kamay ni Arian, "Naguguluhan pa ako pero pagsigurado na ako, sasabihin ko rin sayo."

Tumango si Arian saka tinapik yung balikat ko, "Nandito lang ako."

"WALANG FOREVER!" Sigaw ni Taehyung saka ako tinulak sa pool.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now