CHAPTER 7

3.4K 148 28
                                    

CHAPTER 7

Pinunasan ko muna yung pawis ko bago ako uminom ng tubig. Tumakbo palapit sakin si Hobi saka si Jungkook at naupo sila sa tabi ko.

"Nakakatangina naman tong club na to." Sabi ni Hobi habang hinihingal pa din. Break namin ngayon, sumali kasi kaming tatlo sa isang dance troupe. M.I club lang sa school pero tinetrain nila kami para mas gumaling pa kami sa pagsayaw.

Kakatapos lang namin tumakbo ng ilan rounds at push up. Eto pa lang ginagawa namin pero pagod na agad kami.

Inabutan ko si Jungkook ng tubig. Nakalimutan nya daw kasing magdala ng tubig sabi nya sakin kanina. Kinuha naman nya yon saka ininom, "Salamat."

Ilang oras din kaming nagtraining at tinuruan kami ng bagong sayaw. Tapos na yung klase namin at dito agad kami dumiretso. Dito nga lang ako sinisipag kasi mahilig akong sumayaw.

"Nasan yung ibang kupal?" Tanong ko. Si Taehyung saka si Jin, sumali sa teatro silangan. Yung club nang mga mahilig mag-acting. Tama lang don si Taehyung kasi mahilig sya mag-inarte.

"Mamaya pa yung tapos ng training nila Taehyung. Sila Namjoon at Yoongi, kanina pa tapos yung training. Nasa cafeteria daw si Namjoon." Sabi ni Hobi habang naglalakad kami sa hallway. Kakatapos lang ng training namin eh.

Pagkarating namin sa cafeteria, nakita ko agad si Namjoon. May hawak hawak syang notebook at halatang seryoso sya sa ginagawa nya.

"Hoy, badjao." Pagtawag ni Jungkook sa kanya pagkarating namin sa pwesto nya.

"Tangina mo at nang ilong mo." Sabi ni Namjoon. Tinignan ko yung ginagawa nya sa notebook nya.

"Para saan yan?" Tanong ko. Bakit ba nagsusulat to ng English? Wala akong maintindihan sa binabasa ko eh.

"Para sa music club. Pinagsusulat kasi kami ng lyrics tapos gagawin naming kanta." Sabi ni Namjoon. Tumango na lang ako saka umupo sa harapan nya nung napansin kong hindi nya kasama si Yoongi.

"Nasan si Yoongi?" Tanong ko.

Nagkibit balikat si Namjoon, "May gagawin pa daw sya sa studio ng school eh. Mamaya na lang daw sya kakain. Gago nga yon eh, hindi pa kumakain simula kaninang umaga." Sabi ni Namjoon.

"Patpatin si gago. Isang ubo na lang sya." Sabi ni Hobi kaya natawa sila Jungkook. Tumayo na ako para bumili ng pagkain.

"Take out po yan." Sabi ko don sa tindera saka nagbayad. Bumalik na ako sa table namin saka kinuha yung bag ko, "Saan punta mo?" Tanong ni Jungkook.

"Bakit dalawa yung plastic na hawak mo? Ganyan ka na ba kapatay gutom Jimin?" Tanong ni Hobi.

"Wala kayong pake. Sige, una na ako." Sabi ko saka sila iniwan sa canteen. Naglakad na ako papunta sa studio ng school.

Binuksan ko yung pintuan saka sumilip. Nakita ko si Yoongi na natutulog habang nakaupo. Tinignan ko yung computer sa harap nya, puro data yung laman.

Pinitik ko yung noo ni Yoongi kaya nagising sya. Nakakunot yung noo nya nung tumingin sya sakin, "Anong ginagawa mo dito?"

"Tumatambay lang." Sabi ko saka nilapag yung isang plastic sa harapan nya. Tinignan nya yung laman nung plastic, "Isang ubo ka na lang kasi sa sobrang payat mo kaya binilhan kita ng pagkain." Sabi ko sa kanya.

"Kung hindi siguro ako natutuwa sayo ngayon, tinadyakan na kita paalis sa studio." Sabi nya.

"Magkalahi kayo ni Hobi ganon? Tadyak pa." Sabi ko kaya natawa na lang si Yoongi. Tumayo na sya saka binitbit yung plastic, "Bawal kumain dito kaya sa ibang lugar tayo kakain." Sabi nya kaya sinundan ko na lang sya palabas ng studio.

One Kiss, One Lie | yoonminWo Geschichten leben. Entdecke jetzt