CHAPTER 35

2.7K 143 119
                                    

CHAPTER 35

Pinark ko yung motor ko saka tinanggal yung helmet ko. Inayos ko muna yung buhok ko saka dumiretso sa locker room.

"Hi, Jimin." Bati sakin nung mga babae na nadaanan ko. Ningitian ko lang sila saka dumiretso sa locker ko.

Kukunin ko na sana yung mga libro ko pero may nahulog na papel galing sa locker. Tumingin ako sa paligid ko para tignan kung nandito din yung nag-iwan ng papel pero walang tao sa paligid ko.

Nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko yung sulat saka kinuha yung libro ko sa accounting at nilagay yon sa bag ko. Paalis na sana ako nung biglang may humarang sa daan ko.

"Xy." Pagtawag ko sa pangalan nya. Ningitian nya ako saka ako tinulak para mapasandal ako sa locker ko.

"Hey." Bulong nya sa tenga ko saka kinagat yung earlobe ko. Napalunok ako sa ginawa nya.

Tinignan ko sya at alam ko kung anong gusto nyang mangyari, "What do you want?"

"You." Sabi nya bago ako sunggaban ng halik pero tinulak ko sya agad. Pinunasan ko yung labi ko saka huminga ng malalim.

"What the hell!" Sigaw nya saka inayos yung palda nya, "Every guy in this university wants me. Tapos eto lang yung gagawin mo sakin? Bading ka ba Jimin?!"

Nilapitan ko sya saka hinaplos yung pisngi nya, "Xy, are you questioning my gender now just because I didn't want to have sex with you?"

Tinaasan ako ng kilay ni Xy, "Show me what you've got."

Tumingin ako sa leeg nya saka nilapit yung mukha ko don. Tinaas nya ng konti yung leeg nya para mas madali akong magkaroon ng access.

Kinagat ko yung leeg nya at hinalikan yon. Nilagyan ko sya ng hickey at ramdam kong gustong gusto nya yung ginagawa ko. Lumapit ako sa tenga nya, "You've just got a hickey by a gay, Xy."

Lumayo agad sakin si Xy sa narinig nya, "I'm not a gay, actually. Bisexual lang ako pero kahit na bisexual ako? I will never fall inlove with you. So stop disturbing me."

Napanganga si Xy sa sinabi ko habang nakahawak sa leeg nya. Iniwan ko sya sa locker room at nagsimula na akong maglakad papunta sa building ko.

Alam kong kakalat sa school kung ano ako but who cares? Ayos lang sakin yon para layuan na nila ako.

"Excuse me." Napatingin ako sa isang babae nung lumapit sya sakin.

Nakangiti lang sya sakin kaya ningitian ko na lang rin sya, "Alam mo ba kung saan yung CAS Building? Transferee kasi ako kaya hindi ko masyadong kabisado yung campus."

"Transferee ka pala." Sabi ko tapos tumango sya. Ituturo ko pa lang kung saan yung CAS Building nung biglang may humawak sa braso ko.

Napatingin ako kay Yoongi na mahigpit na nakahawak sa braso ko, "Do you have your student handbook?"

Napakunot yung noo nung babae pero tumango rin sya, "I do."

"There's a map on page 98, you can just check it there." Sabi ni Yoongi saka ako hinatak palayo don sa babae.

Nakakunot lang yung noo ko habang hatak-hatak ako ni Yoongi papunta sa room namin. Ano bang problema nya? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa transferee tapos ilalayo nya ako. Bastos na bata talaga to.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong ko kaya napahinto sya sa paglalakad.

Tinignan nya ako saka sinabing, "Bakit ang landi mo?"

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon