YOONGI'S DREAM

2.7K 129 52
                                    

YOONGI'S DREAM

Eto na siguro yung pinakamasayang araw sa buhay ko. Akala ko hindi ko na makakasama pa si Jimin. Akala ko hindi na ako gagaling. Pero pasalamat na rin ako kay Suga hyung at sa mga doctor na tumulong sakin, gumaling ako sa sakit ko.

Inayos ko yung buhok ng natutulog na Jimin sa tabi ko habang nakahiga yung ulo nya sa braso ko. Kahit tulog sya, ang sarap pa rin nyang titigan.

"Yoongi..." Bulong nya tapos dahan dahan na binuksan yung mga mata nya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil kahit kasal na kami, hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa ni Jimin.

"Bakit, Jimin ko?"

Inaantok pa sya pero dahan dahan nyang hinawakan yung batok ko saka ako hinalikan. Smack lang naman pero kilig na kilig na ako. Hindi ko alam na ganito pala kalakas yung tama ko kay Jimin.

Pero sabagay, ginawa ko naman talaga lahat ng kaya ko para lang gumaling ako sa sakit ko. Para makita ko ulit si Jimin at para makasama ko na sya ulit.

"May hihilingin sana ako sayo." Sabi ni Jimin pagkatapos nya akong halikan.

Tumango ako sa sinabi nya. Kahit anong hiling nya, gagawin ko.

"Gusto kong mag-ampon." Parang hindi ako makahinga sa narinig ko.

"Ha?"

Ngumiti sakin si Jimin, "Gusto kong magkaanak tayo. Pero imposible na makabuo tayo kaya kung papayag ka, gusto kong mag-ampon tayo. At kung pwede sana, gusto ko lalaki yung anak natin."

Umupo ako ng maayos saka napahawak sa magulo kong buhok. Umupo rin si Jimin saka ako tinignan, "Ayaw mo ba?"

Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ako sigurado. Gusto kong magkaanak kami at paga-ampon lang naman yung tanging paraan para magkaroon kami ng anak.

Pero paano yung bata? Paano nya tatanggapin na wala syang nanay pero meron syang dalawang tatay? Paano kapag nilait sya ng mga magiging kaklase nya? Anong klaseng buhay yung magkakaroon sya?

Ang daming tanong sa isip ko kaya hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Jimin. Nakita ko na parang nasaktan sya dahil nagdadalawang-isip ako.

"Kung ayaw mo, sige. Matutulog na ako." Sabi nya saka tumayo at may hawak syang unan.

Hinawakan ko yung braso nya para pigilan sya, "Saan ka pupunta?"

"Sa kabilang kwarto. Doon ko gustong matulog. Matulog ka dyan mag-isa mo." Sabi ni Jimin saka nagmartsa palabas ng kwarto.

Napahiga na lang ako ulit pero hindi na ako nakatulog. Kapag nagtatampo pa naman sakin yung asawa ko, ang hirap suyuin.

Umaga na pero nakatingin lang talaga ako sa kisame at nag-iisip kung paano ko susuyuin si Jimin nung nakita ko syang pumasok.

Napaupo agad ako at nakita ko sya na kumuha ng damit nya at lumabas ulit. Huminga ako ng malalim saka naligo.

Nagpalit ako ng damit na pang-alis saka lumabas ng kwarto. Nakita ko si Jimin na kumakain ng cereal habang nanunuod ng tv.

"Magkikita kami ni Suga hyung ngayon. Text me if you need anything, okay?" Sabi ko kay Jimin pero nakafocus lang yung tingin nya sa tv.

Tumango si Jimin kaya hinalikan ko na lang sya sa pisngi bago umalis.

Dumiretso na ako sa lugar kung saan nagpho-photoshoot si Suga hyung. Dito na rin kasi sya nagtrabaho simula nung umuwi kami nung magaling na ako. Pinakilala ko sya kay Jimin at nung una, gulat na gulat pa si Jimin dahil magkamukhang magkamukha kami at buti na lang daw ay hindi ako blonde hair dahil baka malito na sya ng tuluyan.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon