CHAPTER 4

3.7K 192 102
                                    

CHAPTER 4

"Sabi sainyo dapat nag-cutting na lang tayo eh!" Sabi samin ni Jungkook habang nakanguso. Pinalo naman sya agad ni Jin sa braso, "Ako pinakamatanda sainyo dito kaya dapat madisiplina kayo. Sumunod kayo sakin! Next time na tayo magcutting kapag may quiz na." Sabi ni Jin.

Nilabas ko yung cellphone ko para mag-facebook muna. Inadd ko kagabi si Arian nung nalaman ko yung apelyido nya at inaccept naman nya ako. Nakita kong online sya kaya chinat ko sya.

Park Jimin: Hoy.

Arian Kwon is typing....

Ang tagal naman netong mag-type! Inaabangan ko yung reply nya.

Arian Kwon: ./.

Tangina neto, minura pa ako. Magrereply na sana ako nung biglang kinuha ni Jungkook yung cellphone ko, "Arian Kwon? Sino to?" Tanong nya.

Aagawin ko sana yung cellphone ko pero hindi ko makuha sa kanya kasi tinatago nya, "Akin na yan Jeon Jungkook." Sabi ko. Imbes na ibalik sakin, binasa nya yung chat namin ni Arian nung tumunog yung cellphone ko.

"Ano bang kailangan mo? Wag kang pupunta dito mamaya ah, baka istorbohin mo na naman ako sa trabaho ko." Binasa ni Jungkook ng malakas yung chat ni Arian kaya pinuntahan sya nung mga ugok. Nakibasa na rin sila Taehyung at Hobi sa kanya.

"Girlfriend mo ba to?" Sabi ni Taehyung. Magsasalita pa sana ako nung nagsalita na naman sya, "Akala ko ba hindi ka pa tuli?"

"Isampal ko kaya yung ano ko sayo para matahimik ka dyang gago ka." Sabi ko kay Taehyung saka inagaw yung cellphone ko kay Jungkook. Hindi na nagsalita si Jungkook saka lumabas ng classroom. Ano bang problema non?

"Isa pa, hindi ko girlfriend tong si Arian. Mandiri kayo, hindi ko sya type." Sabi ko saka umupo sa upuan ko.

"Ang sabihin mo, hindi ka pa tuli." Sabi ni Hobi kaya muntik ko na syang mapalo ng bag ko pero nakatakbo agad sya palayo sakin. May lahing kabayo talaga to eh.

Biglang dumating si Yoongi. Kanina nung pumasok kami, tulog pa sya eh. Ayoko namang gisingin. Pake ko ba kung gumising sya o hindi.

"Hoy!" Pinalo ako ni Jin sa ulo. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Araw araw ata pa-weird sila ng pa-weird.

"Bakit ka ba namamalo?!"

Pinalo na naman ako ni Jin sa ulo kaya napahawak ako don, "Akala ko ba wala kang sineseryosong babae? Ano? Pumapag-ibig ka na ngayon?!" Sabi nya. Hindi ko nga girlfriend si Arian ano bang mahirap intindihin don!

"May nabasa ba kayong mga sweet sa chat namin eh hoy nga lang sinabi ko sa kanya? Ang hilig nyo mag-conclude ng mga bagay bagay eh." Sabi ko habang hinihimas pa din yung ulo ko. Hayop! Kung pwede ko lang ihagis palabas ng bintana si Jin, ginawa ko na eh.

"Sige nga, spell conclude." Sabi ni Namjoon habang may binabasa na naman sa cellphone nya.

"Text ko na lang sayo mamaya yung spelling." Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya. Napatingin ako kay Yoongi. May sinusulat na naman sya sa notebook nya.

Lagi ko na lang syang nakikita na may sinusulat sa notebook nya. Sinitsitan ko si Taehyung na kumakain lang ng lollipop sa isang tabi. Binulungan ko sya na kunin yung notebook ni Yoongi kaya tumakbo agad yung uto-uto kong bestfriend papunta kay Yoongi.

"Day 158. Alam mo bang hindi pa rin kita makalimut--" natigil sa pagbabasa si Taehyung habang hawak hawak yung notebook ni Yoongi nung kinuha ni Yoongi yon sa kamay nya.

One Kiss, One Lie | yoonminDove le storie prendono vita. Scoprilo ora