CHAPTER 41

2.6K 121 63
                                    

CHAPTER 41

"Pwede bang ayusin mo na yan?" Sigaw ko kay Taehyung na kanina ko pa inutusan na maggupit ng tela pero inuuna nya si Erin na tahimik lang na nagdidikit ng letters sa itim na tela.

"Matatapos na." Sabi ni Taehyung pero wala pa naman syang nasisimulan.

Huminga ako ng malalim saka pinagpatuloy yung paglalagay ng glitters sa letters na gawa sa sytrofoam.

Hindi pa ako kumakain at gutom na gutom na ako. Kanina pa akong umaga nag-aayos dito para sa foundation day namin sa school. Busy rin naman si Yoongi sa gagawin nila para sa foundation day kaya hindi pa kami nagkikita ngayong araw.

Tumabi sakin si Erin kaya napatingin ako sa kanya, "Pwede bang dito muna ako? Kanina pa ako ginugulo ng kaibigan mo, naiinis na ako."

Tinignan ko si Taehyung na nakatingin lang saming dalawa, "Gusto ka kasi nya talaga. Seryoso si Taehyung sayo. Ngayon lang sya naging ganyan kaya alam kong totoo nararamdaman nya para sayo."

Napa-smirk si Erin saka dinikit yung huling letter sa styrofoam, "Alam ko."

"Alam mo naman pala na seryoso sya sayo, bakit hindi mo sya bigyan ng chance?"

Tinignan ako ni Erin at seryoso yung mukha nya, "I'm testing him, Jimin. Kung hanggang saan yung pasensya nya sakin. I want him to prove everything to me."

Napangiti ako sa sinabi ni Erin, "You like Taehyung." Sabi ko kaya nanlaki yung mata nya.

Umiling sya agad, "Ew no." Sabi nya na parang nandidiri sya sa sinabi ko pero alam kong nagpapanggap lang sya.

"Alam mo, kahit na kami yung nanliligaw sainyo, may pasensya rin kami. Alam kong gusto mong patunayan ni Taehyung lahat pero paano kung hindi nya nagawa yung mga bagay na ineexpect mo? Bu-bustedin mo sya? It's unfair for Taehyung, Erin."

Napayuko si Erin sa sinabi ko at pagkatapos non, tinignan nya si Taehyung na nakikipag-usap sa iba pa naming kasama, "I'm scared. I feel like I'm not worth it for Taehyung's love. I won't deny it, gusto ko sya. Takot lang ako na baka masaktan ko sya."

"Wag mong pangunahan yung mga mangyayari, Erin." Sabi ko saka tinapik yung balikat nya, "Don't be scared to love someone just because you think you're not worth it. Hindi ka mamahalin ni Taehyung kung hindi ka worth it, okay?"

Napangiti ko si Erin sa sinabi ko, "Thank you, Jimin." Sabi nya saka tumingin sa likuran ko. Nagtaka ako kung saan sya nakatingin kaya tinignan ko yon, "Para sayo ata yan."

Napakunot yung noo ko nung sinabi nung crew sa Mcdo yung pangalan ko. Sinong nagpadeliver ng pagkain dito?

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka pumunta sa labas ng room, "Bakit po?"

"Ikaw po ba yung Park Jimin? Eto nga po pala yung pina-deliver ni Sir Min Suga para sainyo." Sabi nya saka inabot sakin yung plastic na puno ng pagkain.

Si Yoongi nagpadala neto?

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kahit na busy kami pareho, hindi pa rin nya ako nakakalimutang paalahanan na kumain. Yoongi is the sweetest person that I know.

"Kanino galing yan?" Tanong ni Erin nung bumalik ako sa pwesto ko.

"Yoongi." Sabi ko saka nagsimulang alisin yung mga pagkain sa plastic. Chicken, large fries at sundae yung pina-order ni Yoongi para sakin.

Nakita ko si Taehyung na naglalakad papunta sa pwesto namin, "Erin, gusto mo bang kumain? Kain tayo, libre kita."

Tinignan ko si Erin na nakatingin lang sa mga styrofoam. Siniko ko sya kaya napatingin sya sakin. Tinignan ko sya na parang sinasabi ko na pumayag na syang kumain kasama si Taehyung.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now