CHAPTER 19

2.8K 121 63
                                    

CHAPTER 19

"Anong joke ang nakakatawa?" Napairap na lang ako habang pinakikinggan yung mga jokes ni Hobi. Pang-20 na nyang joke to at konting-konti na lang yung pasensya ko sa kanya.

"Ano?" Tanong ni Yoongi saka kumagat ng burger na binili nya.

"Edi yung mukha ni Taehyung!" Sabi nya saka tumawa ng tumawa kaya nakatanggap sya ng maraming palo galing kay Taehyung.

Pakisabi nga sakin kung paano ko sila naging kaibigan?

"Guys, may sasabihin nga pala ako." Sabi ni Namjoon habang nakangiti at kitang kita ko yung dimples nya.

"Ano? Siguraduhin mo lang na matino yan kasi kanina pa rinding-rindi yung tenga ko sa jokes ni Hobi." Sabi ni Jungkook habang nakakunot yung noo nya.

"Excuse you, my jokes our funnies!" Sabi ni Hobi habang nakangisi.

Napailing na lang ako saka kumuha ng fries ni Jin. Ang daming pagkain sa table namin pero yung kalahati nun, para lang kay Jin.

"Hoy!" Sigaw ni Namjoon, "Pakinggan nyo ko. Notice me, senpais."

"Senpai... yan yung gagawin mo sa mga basang dam--" natahimik si Hobi nung isubo ko sa bibig nya yung burger ko.

"Tangina itakwil nyo na nga sa tropa yan." Sabi ni Taehyung kaya sumimangot si Hobi habang ningunguya yung burger na sinubo ko sa bibig nya.

"Sabihin mo na yung sasabihin mo, love." Sabi ni Jin saka tinapik yung braso ni Namjoon.

Love.

Sana matawag ko rin si Yoongi ng love o kahit anong endearment. Parang may idadagdag na ako sa listahan ng mga pangarap ko sa buhay ah.

"Lamporeber." Sabi ni Jungkook.

"Bitter ka lang. Hindi ka kasi gusto ni Ji-- aray!" Napasigaw si Taehyung nung sipain ko yung paa nya.

Ningitian ko si Taehyung. Sinuklian rin naman nya ako ng ngiti pero may kasamang pakyu yung ngiting yon.

"Sino yung sinasabi mo Taehyung?" Tanong ni Jungkook. Hindi naman sinabi ni Jungkook sa iba na gusto nya ako. Ako lang talaga yung nagsabi sa iba naming kaibigan kung ano ba talaga yung meron kay Jungkook at sakin.

"Wala, nauulol lang yan." Sabi ko. Parang hindi naniniwala si Jungkook sa sinabi ko pero ningitian nya pa rin ako saka tumango-tango.

"Tapos na kayo? Pwede ako naman? Kanina nyo pa ako di pinapansin, naiinis na ako." Sabi ni Namjoon saka sumandal sa balikat ni Jin habang nakasad-face.

Hinalikan ni Jin yung noo ni Namjoon kaya napangiti sya. Tinignan ko si Yoongi na nakatingin lang kela Jin at Namjoon. Kung ako lang siguro yung mahal ni Yoongi, hindi lang pagmamahal ibibigay ko sakanya.

Lahat ng meron ako ibibigay ko sa kanya.

Buong buhay ko, hindi ako nagseryoso sa isang babae. Bakit ako magseseryoso kung iniiwan lang din naman ako ng mga babaeng mahal ko?

"Kanina pinatawag ako sa office diba?" Sabi ni Namjoon saka ngumiti, "Ginawa nila akong Music Producer."

Nakipag-apir agad ako kay Namjoon saka sya cinongratulate. Alam ko kung gaano kagusto ni Namjoon gumawa ng kanta. Simula bata pa lang kami, mahilig na syang mag-rap. Gusto nga nya gumawa ng mixtape paglaki nya. Ngayon, nabigyan na sya ng chance at sobrang saya ko para sa kanya.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now