CHAPTER 39

2.5K 123 38
                                    

CHAPTER 39

Uminom muna ako ng kape habang tinitignan yung mga reviewer na nakakalat sa study table ko. Tumingin ako sa orasan at malapit na rin mag-12 ng madaling araw.

Kahit gusto ko na matulog, hindi pwede dahil ilang araw na lang at prelims na namin.

Tinignan ko yung phone ko nung umilaw yon. I saw Yoongi's name kaya mas ginanahan akong mag-review. Gising pa rin pala sya, siguro nagrereview din sya.

Kinuha ko yung phone ko at binasa yung message nya.

From: Yoongi ko

Open the gate. I'm outside your house, love.

Napakunot yung noo ko sa nabasa ko. Binuksan ko agad yung bintana para tignan kung nandon nga sya at hindi ako nagkakamali, si Yoongi nga yung nakatayo sa harapan ng gate namin at naka-pajama pa sya.

Tumakbo ako palabas ng kwarto ko papunta sa gate. Nakita ko pa nga si Hobi hyung na nasa kusina habang nagtitimpla ng kape at may hawak na reviewer.

Paglabas ko, nakita ko si Yoongi na nakapikit habang nakasandal sa kotse nya at may dala-dala syang bag at plastic.

"Hey." Sabi ko nung nasa harapan na nya ako. Yoongi opened his eyes at bigla nya akong niyakap, "I missed you."

"Kasama mo lang ako kanina ah? Mga 5 hours ago." Sabi ko saka tumawa. Magkasama lang kami kanina tapos hinatid pa nga nya ako pauwi tapos ngayon nandito na naman sya.

"I still missed you." Sabi nya saka kumalas sa yakap, "I know you're still reviewing and I thought you haven't eaten your dinner that's why I bought food."

Kilala talaga ako ni Yoongi. Minsan nakakalimutan kong kumain lalo na kapag nag-aaral ako.

"Para saan yung bag?" Tanong ko saka tinuro yung bag na hawak nya.

"My clothes and my reviewer. Pwede naman akong mag-sleepover dito diba? But I promise you, I will not bother you when we're reviewing." Sabi nya saka tinaas pa yung kanang kamay nya as a sign of his promise.

Ginulo ko yung buhok ni Yoongi saka tumango, "Tara na. Magreview na tayo." Sabi ko. Pumasok na kami at nakita namin si Hobi na nasa kusina pa rin.

"Yoongi, gabi na ah." Sabi ni Hobi nung nakita nya kami.

"Magse-sleepover ako dito." Sabi ni Yoongi, "Goodluck sa pagrereview, Hobi. Sana di mo tulugan yan."

"Goodluck din. Wag kayong gagawa ng kalokohan ah. Ayoko pa maging ninong." Sabi ni Hobi kaya pinakyu ko sya. Kung ano-ano sinasabi ng kabayong to.

Umakyat na kami ni Yoongi papunta sa kwarto ko. Nilapag ni Yoongi yung bag nya sa kama ko saka sya umupo sa sahig. Tinapik nya yung pwesto sa tabi nya kaya umupo ako don.

Nilabas nya yung binili nyang pagkain galing sa Mcdo sa plastic at binigay sakin yung isang lalagyan. Binuksan ko yon at chicken yung binili nya para sakin.

"Kakain muna tayo bago magreview, okay? Ayokong nalilipasan ka ng gutom." Sabi ni Yoongi habang nilalagyan ng straw yung inumin namin.

"Yes, boss." Sabi ko saka nag-salute sa kanya.

We started eating na parang hindi na kami makakakain bukas. Nakakagutom rin pala yung puro ka na lang review dahil nag-aalala ka sa grades mo.

This is our last year at malapit na akong magtrabaho kaya hindi ako papayag na hindi ako makagraduate.

Pagkatapos naming kumain, nilapag na namin yung mga reviewer namin sa kama. Nag-indian sit ako habang si Yoongi naman, nakadapa habang nagrereview.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now