CHAPTER 37

2.8K 130 118
                                    

CHAPTER 37

Ilang araw na rin yung nakalipas simula nung umamin sakin si Yoongi at kasabay non yung mga usap-usapan tungkol samin. Sabi rin naman sakin ni Yoongi na wag na namin pansinin yung mga sinasabi nila sakin.

Ayos lang rin naman sakin dahil wala nang mga babae na kumukulit sakin. Pero naiinis lang ako tuwing nilalayuan ako ng ibang lalaki samin dahil akala nila, papatulan ko sila. Mas gwapo pa nga ako sa kanila, ang kakapal ng mukha nila.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa prof namin kahit na minsan napapatingin ako kay Yoongi na mahimbing na natutulog sa upuan nya. Nakakainis nga kasi pinalipat sya ng upuan ng prof namin kaya medyo malayo yung upuan nya sakin.

Ang cute nyang matulog.

"Aray!" Napatingin ako kay Taehyung nung batuhin nya ako ng papel. Kinuha ko yung papel na binato sakin ni Taehyung saka binuksan.

'Titig pa!'

Pinakyu ko si Taehyung. Nahuli pa nya akong nakatingin kay Yoongi deputa nag-iingat nga akong wag mahuli.

Napakunot yung noo ko nung bigla kaming makarinig ng malakas na tawa. Teka--

Tawa ko yon ah.

Tinignan ako nung prof namin na kanina lang ay nagsusulat, "Park Jimin! Kung ayaw mong makinig sakin wag kang makipagkwentuhan at manahimik ka na lang!"

"Sir hindi ako yon!" Sigaw ko.

"Aba sumisigaw ka pa ngayo--" napahinto yung prof namin nung narinig na naman namin yung tawa.

Minumulto ba ako ng sarili ko?

Napatingin kami kay Yoongi na kakagising lang at parang nagulat pa sya na nakatingin kami sa kanya.

Sa pwesto nya galing yung tawa.

"Sorry." Sabi ni Yoongi saka kinuha yung phone nya at pinakita samin yung call, "That is actually my ringtone, sorry sa istorbo."

Ringtone ni Yoongi yung tawa ko?

"I'm just gonna answer this important call, sir." Sabi ni Yoongi saka lumabas sa room.

Tinignan ako nung prof namin at sya din, na-speechless.

Kahit ako rin, speechless ako pero hindi ko mapigilang hindi kiligin. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko habang iniisip na nirecord ni Yoongi yung tawa ko para lang gawing ringtone.

"Mapupunit na yung labi mo." Sabi ni Gab. Kinagat ko yung labi ko para hindi na ako ngumiti.

"Sorry na." Sabi ko. Pumasok na si Yoongi at dumiretso sa upuan nya.

"Kailan pa naging kayo?" Tanong ni Gab. Ngayon ko lang nakausap si Gab simula nung sya yung pumalit sa pwesto ni Yoongi.

"Hindi pa naman kami pero 5 days ago, umamin sakin si Yoongi na gusto nya rin ako." Sabi ko. Nagtaka ako kung bakit kumunot yung noo nya.

"Bakit Yoongi yung tawag mo sa kanya?" Tanong sakin ni Gab. Nagtaka ako kung bakit ganito yung tanong nya sakin.

"Yoongi naman talaga yung pangalan nya." Sabi ko, "Model kasi sya kaya hindi nya ginagamit yung totoo nyang pangalan."

Ningitian ako ni Gab pero alam kong may ibig sabihin yung ngiting yon, "Talaga? Ang alam ko kasi--" napatingin kami pareho kay Yoongi nung nasa harapan na namin sya.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now