CHAPTER 18

2.7K 140 98
                                    

CHAPTER 18

Nakatingin lang ako kay Yoongi habang nagpapalit sya ng damit. Gusto ko syang kausapin pero kailangan kong pigilan yung sarili kong gawin yon.

Umiwas ako ng tingin saka kunwaring nagbibilang ng buhok ko sa bangs nung napansin kong nakatingin sya sakin.

"Bakit ka nakatingin?" Masungit kong tanong.

Tinignan ko sya at nung nagtama yung mga mata namin, lumakas na naman yung tibok ng puso ko. Napalunok ako saka umiwas ng tingin kay Yoongi.

Dapat talaga si Taehyung na lang yung roommate ko eh.

"Kumusta?" Tanong ni Yoongi pag-upo nya sa kama nya. Dalawa kasi yung kama dito kaya ayos lang. Baka pag magkatabi kami, baka may milagrong mangya--

Asa namang meron. Malaki respeto ko kay Yoongi.

Hindi agad ako nakasagot. Kinausap ba nya ako? Ako ba yung kausap nya?

Tinuro ko yung sarili ko, "Ako ba kausap mo?"

"Hindi. Yung multo sa tabi mo yung kausap ko." Napatakbo agad ako sa kama ni Yoongi dahil sa sinabi nya. Tangina! Walang usapang multo! Takot ako don eh.

"Asan?!" Sigaw ko habang nagtatago sa likod ni Yoongi.

"Duwag." Bulong ni Yoongi saka tumayo sa kama nya. Hinawakan ko yung braso nya para pigilan syang umalis, "Wag mo kong iwan dito, Yoongi."

"Hindi kita iniwan... pero ikaw yung nang-iwan sakin." Sabi ni Yoongi saka tuluyang lumabas sa kwarto.

Magkaaway nga pala kami ni Yoongi.

Huminga ako ng malalim saka kumuha ng sando. Sinuot ko yon saka ako lumabas ng kwarto namin ni Yoongi.

Naririnig ko yung mga tawanan nila sa baba kaya bumaba agad ako. Nanunuod pala sila ng movie kaya tawa sila ng tawa.

"Anong movie ya-- tangina nyo!" Sigaw ko nung nakita kong hindi movie yung pinapanuod nila sa tv.

"Wala naman yung lolo ni Jungkook dito eh." Sabi ni Namjoon.

Mas kumunot yung noo ko saka ko sya tinaasan ng mid fing, "Ang lilibog nyo. Makaalis nga muna."

"Wow oh, ayaw mo makinuod ng porn?" Sabi ni Hobi habang nakatutok pa rin yung mata sa tv.

"Ayoko. Goodboy na ako, hindi na ako fucboi katulad nyo." Sabi ko saka dumiretso sa garden nila Jungkook.

Umupo ako sa damuhan saka sumandal sa isang puno. Napatingin ako sa langit at nakakita ako ng airplane na lumilipad.

Naalala ko yung pamilya ko. Siguro dahil sanay na akong mag-isa kaya wala na lang akong pake nung iwan ako ni mama dito.

Simula nung iwan ako ni mama dito sa Pilipinas para sumama sa kabit nya at tumira sa New York, doon na nagsimulang maging miserable yung buhay ko.

Ayos lang naman si papa sakin dahil alam kong mahal nya ako. Pero madalas syang mag-uwi ng babae sa bahay namin na naging dahilan ng pagiging depressed ko. Nagkaroon ako ng suicidal thoughts dati.

Naglaslas ako tutal wala namang nagmamahal sakin. Muntik na akong mamatay non pero niligtas ako ni Namjoon kahit na alam kong naiinis sya sakin. Sabi sakin ni Namjoon, sumama daw ako sa kanya na magdorm sa all-boys school na pinapasukan namin ngayon para malayo na ako sa papa ko.

Naging maayos naman na yung buhay ko. Kuntento na rin ako sa mga allowance na pinapadala sakin ng papa at mama ko. Ayos na ako sa ganito basta wag lang nila akong kukunin at ilayo sa mga kaibigan ko dahil baka ituloy ko na naman yung mga ginagawa ko dati.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now