CHAPTER 31

2.7K 138 77
                                    

CHAPTER 31

"Saan ka pupunta?" Tanong nila habang nanunuod ng movie. Tumingin muna ako sa salamin saka inayos yung snapback ko.

"Isasama ako ni Yoongi sa photoshoot nya." Sabi ko saka lumapit sa kanila. Kumuha muna ako ng nachos na kinakain nila saka lumabas.

Nakita ko si Yoongi na nakasandal sa kotse nya habang hinihintay ako. Kinuha ko agad yung cellphone ko saka pinicturan yung Yoongi na naghihintay sakin.

Napaangat yung ulo nya saka sya napangiti nung nakita nya akong naglalakad palapit sa kanya, "You look good with your snapback."

Napangiti ako sa sinabi nya, "Baka gawin din nila akong model kapag nakita nila ako ah. Ang gwapo ko pa naman."

Natawa si Yoongi sa sinabi ko, "I wouldn't let that happen."

Napakunot yung noo ko, "Bakit naman?"

"I don't want you to be famous. Alot of people will admire you and I'm scared that you might forget me." Sabi nya saka binuksan yung passenger seat.

Ilang segundo muna akong natulala bago ako pumasok sa sasakyan. Yoongi never fails to make my heart pound.

"Seatbelt." Narinig kong sabi ni Yoongi. Maglalagay na sana ako ng seatbelt pero sya na yung naglagay para sakin. Huminto yung paghinga ko nung nakita kong sobrang lapit ni Yoongi sakin.

"There you go." Sabi nya saka ngumiti sakin. Bakit ba ganito si Yoongi? Lagi na lang nya akong ginugulat sa mga ginagawa nya.

Ngumiti rin ako, "Salamat."

"Paano ka naging model, Yoongi?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive sya papunta sa building ng Grazia.

"Nag-training muna ako bago ako naging model. I'm a model for 5---" bigla syang huminto sa pagsasalita, "I mean, for almost 3 years."

Almost 3 years? So, nung umalis sya saka sya nagtraining bilang model?

"Ah." Sabi ko saka tumango tango, "You want to be a model that's why you left?"

Tumingin sakin si Yoongi pero umiwas rin agad sya ng tingin, "No."

Hindi na ako nagsalita ulit. Gusto ko sanang tanungin ulit kung bakit sya umalis pero parang ayaw nyang sabihin sakin kung bakit. Parang may tinatago si Yoongi na hindi ko pwedeng malaman at para akong mababaliw kapag iniisip ko kung ano yon.

"We're here." Sabi nya saka pinark yung sasakyan. Inalis ko na yung seatbelt saka lumabas.

Sinusundan ko lang si Yoongi habang naglalakad kami papasok sa building ng Grazia. Binabati si Yoongi ng mga nakakasalubong namin kaya mas lalong tumaas yung tingin ko sa kanya.

"Sikat na sikat ka na nga pala no?" Sabi ko pagkapasok namin ng elevator, "Ang daming babae yung nagkakagusto sayo."

"I don't care about the fame." Sabi ni Yoongi saka tumingin sakin, "And I also don't care about the girls who admire me. They only like me because of my looks, not for who I am."

"But I like you for who you are." I said. Parang gusto kong kainin pabalik yung mga sinabi ko.

Yoongi pinched my cheeks, "That's why I only hang out with you."

Wala syang ibang kasama kundi ako lang?

Lumabas na kami sa elevator saka naglakad papunta sa set. Lahat ng tao ay sobrang busy habang ginagawa yung kanya-kanya nilang trabaho. May isang babae yung lumapit samin at pamilyar sya sakin.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now