CHAPTER 6

3.3K 171 203
                                    

CHAPTER 6

"Jimin." Napatingin ako kay Jungkook nung tinawag nya ako. Nakita ko sa mga mata nya na nag-aalala sya pero hindi ko alam kung bakit.

"Bakit?"

Bumuntong hininga si Jungkook, "Kung ano man yung makikita mo o malaman mo tungkol sa pamilya ko, sana hindi magbago tingin mo sakin." Sabi nya. Napakunot yung noo ko.

Dahan dahan akong tumango kay Jungkook kahit na nagtataka ako sa sinabi nya. Pumasok na kami sa bahay nila. Malaki yung bahay nila Jungkook, sa lahat ng tropa namin, ako pa lang yung makakapunta. Nagpasama lang naman sya sakin dito kasi ako lang naman yung matino nyang kaibigan sa school.

Tinignan ko yung paligid ng bahay nila Jungkook, maayos naman ah. Wala namang kakaiba sa bahay nila.

"Richkid ka pala kaya lagi mo kong nililibre." Sabi ko kay Jungkook. Natawa na lang sya sa sinabi ko. Totoo yon, lagi akong nililibre ni Jungkook. Lagi rin akong inaalagaan ni Jungkook. Pakiramdam ko nga, nagkaroon ako bigla ng kapatid dahil todo kung alagaan nya ako. Kahit na mas matanda ako kay Jungkook, kung umakto sya minsan parang mas matanda sya sakin.

"Lolo!" Tawag ni Jungkook doon sa isang lalaki na pababa ng hagdan. Sinalubong sya ni Jungkook ng mano saka yakap.

"Kumusta na ang apo ko?" Tanong sa kanya nung lolo nya.

"Ayos lang po ako, lo. Gwapo pa rin naman." Sabi nya saka kinindatan yung lolo nya. Napansin ata nung lolo nya na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Sya na ba yung boyfriend mo?" Napakunot yung noo ko sa tanong ng lolo ni Jungkook sa kanya. Parang nagulat naman si Jungkook kaya umiling sya agad.

Boyfriend? Bakla ba tong si Jungkook?

"Hindi po, kaibigan ko lang po. Sya po si Jimin." Sabi ni Jungkook saka ako tinuro, "Jimin, yung lolo ko. Si Lolo Carlos."

Nagmano ako sa lolo nya, "Hi po. Kaibigan po ako ni Jungkook." Sabi ko. Sinadya kong lakasan yung pagkakasabi ko ng 'kaibigan' para maalala nya. Baka akalain nyang bakla kaming dalawa ni Jungkook.

Tangina mas straight pa ako kesa sa ruler eh.

Tumango tango naman yung lolo nya, "Kumain na ba kayo?" Sabi ni Lolo Carlos. Tumango kami pareho ni Jungkook. Ayokong makikain sa kahit kaninong bahay eh. Hindi naman ako katulad nila Taehyung na sunggab agad sa pagkain kahit nasa ibang bahay eh.

"Si Lolo Ed po? Kumusta na sya?" Tanong ni Jungkook. Sinusundan ko lang sila habang paakyat kami sa hagdan. Lolo Ed? Baka kapatid ni Lolo Carlos. Ang saya pala ng pamilya nila Jungkook, magkakasama sila sa iisang bahay.

"Malala pa rin yung sakit nya." Sabi ni Lolo Carlos. Huminto kami sa isang kwarto at nakita kong nakatingin sakin si Lolo Carlos kaya nagtaka na naman ako.

Binuksan na nya yung pintuan at tumambad samin ang isang matandang lalaki na nakahiga sa kama nya at nakapikit lang sya. Sya siguro si Lolo Ed.

Tumabi sakin si Jungkook. Nakatingin lang sya sa mga lolo nya, "Magkapatid ba sila?" Tanong ko kay Jungkook. Napatingin sakin si Jungkook at imbes na sagutin yung tanong ko, bumalik lang yung tingin nya sa mga lolo nya.

"Kailan ka ba gagaling? Miss na miss na kita." Umiiyak na sabi ni Lolo Carlos habang hawak hawak yung kamay ni Lolo Ed. Kung may langaw lang siguro dito, baka pinasukan na ng langaw yung bibig ko.

"Mag-asawa sila." Sabi sakin ni Jungkook.

Eto ba yung dahilan kung bakit iwas si Jungkook kapag usapang pamilya yung topic namin?

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now