CHAPTER 16

2.7K 133 37
                                    

CHAPTER 16

"Dismiss." Sabi nung prof namin saka lumabas ng classroom. Wala akong naintindihan sa sinabi nya dahil lumilipad yung utak ko sa katabi ko.

Hindi ko naman na lolokohin yung sarili ko. Nasaktan ako kasi para akong sinampal ng katotohanan na hindi ako magugustuhan ni Yoongi dahil mahal nya si Eunice. Si Eunice lang yung gusto nya.

Ilang araw na rin yung nakalipas nung nangyari yung truth or dare namin nung birthday ni Namjoon. At simula nung araw na yon, tuwing nakikita ko si Yoongi, parang nagre-replay yung mga sinabi nya.

Sino ba naman ako para magustuhan ni Yoongi? Pareho kaming lalaki, hindi kami talo. Alam kong wala akong pag-asa sa kanya at kahit anong gawin ko, hindi ako magkakaroon ng pag-asa.

"Jimin." Napalingon ako kay Yoongi nung tinawag nya ako, "Sabay tayong kumain?"

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Umiwas ako ng tingin saka umiling, "May gagawin pa ako." Sabi ko saka kinuha yung bag ko at nauna na akong umalis.

Wala naman talaga akong gagawin. Iniiwasan ko lang si Yoongi dahil ayokong mas lumalim pa yung nararamdaman ko para sa kanya.

Bumalik ako sa dorm namin at saka humiga sa kama ko. Napahilamos na lang ako ng mukha sa nangyayari sakin ngayon. Sana pala hindi ko na lang hinayaan na magkagusto ako kay Yoongi. Edi sana hindi ako nahihirapan ngayon.

"Jimin?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Bakit Jungkook?" Tanong ko.

"Wala lang. May napansin lang kasi ako sayo." Sabi nya. Napaupo ako sa kama ko saka sya iniwasan ng tingin, "Ano yon?"

"Parang may iniiwasan ka sa tropa natin?" Narinig ko yung paghinga ng malalim ni Jungkook, "Kung galit ka pa rin sakin, pwede bang pag-usapan na lang natin kas--"

"Hindi ako galit sayo. Wala na sakin yon. May iba lang akong iniisip ngayon." Sabi ko kay Jungkook. Napatungo si Jungkook saka tumango.

Kung may pinakagago award lang siguro, ako na makakakuha non.

"Hindi ka ba gutom?" Tanong nya, "Pwede kitang sabayan kumain."

"Hindi ako gutom." Sabi ko pero biglang napangiti si Jungkook nung narinig nyang kumulo yung tiyan ko.

Hinawakan ako ni Jungkook sa may pulso saka hinatak paalis sa kama ko, "Hindi mo ba namiss yung panlilibre ko sayo? Kahit ngayon lang Jimin, kalimutan mong may gusto ako sayo. Kunwari walang ganon. Kunwari hindi nangyari yon, okay?"

Unti-unti akong napangiti sa sinabi ni Jungkook. Ayoko naman talaga na hindi sya pansinin. Gusto ko lang ma-realize nya na hindi kami pwede. Mahal ko rin naman si Jungkook... pero bilang kaibigan lang.

May iba rin kasi akong gusto.

Umiling ako ng konti para mawala sa isipan ko yung pangalan ni Yoongi. Hindi ba sya napapagod tumakbo sa isip ko? Araw-araw na lang syang nandon.

"Sige na nga, basta ba libre mo." Sabi ko kay Jungkook. Napangiti si Jungkook sa sinabi ko at yun yung pinakamasayang ngiti na nakita ko sa kanya ngayon.

"Tara." Sabi nya. Lumabas na kami sa dorm. Namiss ko rin to. Namiss ko rin si Jungkook.

"Alam mo ba Jimin? Ngayon ko lang na-realize na ang swerte mo kay Arian." Sabi ni Jungkook habang naglalakad kami sa hallway.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now