CHAPTER 42

2.3K 111 15
                                    

CHAPTER 42

Tumakbo agad ako papunta sa gym dala yung bagong gawa kong banner. Marami akong ginagawa para sa foundation week at muntik ko nang makalimutan na kasali nga pala si Yoongi sa mga maglalaro ng basketball ngayon.

Nakita ko si Yoongi na kausap yung iba nyang kasama sa team. Naghanap agad ako ng magandang pwesto at buti na lang, nakita ko yung mga kaibigan ko na nanunuod. Kinawayan agad ako ni Hobi hyung at tinuro yung bakanteng upuan sa tabi nya.

Dumiretso agad ako don saka umupo. Tinignan ko yung orasan ko at ilang minuto na lang, magsa-start na yung game.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Jin hyung habang kumakain ng popcorn. Akala mo naman manunuod sya ng sine at may dala pa syang popcorn.

Pinakita ko sa kanila yung banner na ginawa ko, "Kakagawa ko lang neto kaya na-late ako. Buti na lang hindi pa nagsisimula."

"Kanina ka pa hinahanap ni Yoongi." Sabi ni Taehyung na katabi ni Hobi hyung. Tinignan ko si Yoongi at parang malungkot yung mukha nya.

Hindi pa ata nya ako nakikita. Tumunog na yung bell at start na ng game. Nakatayo si Yoongi sa tabi ng referee at hinihintay nilang batuhin nung referee yung bola.

Nung hinagis na yon ng referee, si Yoongi agad yung nakakuha. Pinasa nya yon sa iba at hindi alam ng ibang teammates nya kung bakit. Parang walang gana maglaro si Yoongi.

Laging yung kalaban nila yung nakaka-score at tuwing ipapasa nila yung bola kay Yoongi, pinapasa pa rin nya yon pabalik sa iba.

"Tangina, anong ginagawa ni Yoongi?!" Sabi ni Namjoon hyung at halatang tense na tense sya sa laro.

"Putangina Min Yoongi galaw galaw din!" Sigaw ni Jin hyung. Kinuha ko yung banner ko saka yon tinaas.

"Min Yoongi fighting!" Sigaw ko kaya napatingin sakin si Yoongi. Parang nagulat sya na nakita nya ako pero bigla din syang napangiti.

"I love you Yoongi!" Sigaw ko kaya nag-flying kiss sakin si Yoongi. He mouthed the words 'I love you too' saka nagbalik sa laro.

"Nag-flying kiss sakin si Suga!" Sigaw nung babae sa likuran namin. Napatingin ako sa kanya ng masama. Hinawakan ni Hobi hyung yung balikat ko at saka umiling.

Wala naman akong balak makipag-away pero gusto ko lang malaman nilang sakin nag-flying kiss si Yoongi at hindi sa kanya. Sapakin ko to eh.

Nakahabol yung team nila Yoongi pero lamang pa din yung kalaban. Fourth quarter na at 8 na lang yung kailangang habulin ng team nila Yoongi para maging tie sila.

"Min Yoongi!" Sigaw ko saka nag-heart sign nung tumingin sya sakin. Sigurado akong nagbu-blush na yung pisngi ni Yoongi sa sobrang hiya dahil sa ginagawa ko.

"Ang sakit na ng tenga ko!" Sigaw ni Hobi hyung sakin habang nakahawak sa tenga nya. Inirapan ko lang sya. Kanina pa ako sumisigaw para lang i-cheer si Yoongi at wala na akong halos boses kakasigaw.

Tuwing nakaka-score yung team nila Yoongi, sumisigaw ako pero at the same time, naiinis rin ako dahil dumadami yung nagkakagusto kay Yoongi.

"Ang gwapo nung number 7!" Sigaw nung isang babae sa unahan namin. Sipain ko kaya yung upuan neto para malaman nyang may nagmamay-ari na kay number 7?

1 minute na lang yung natitira at tie yung score nung parehong team kaya mas lalo akong kinakabahan. Nasa kabilang team yung bola kaya halos magdasal na ako sa lahat ng santo para lang manalo sila Yoongi.

One Kiss, One Lie | yoonminDonde viven las historias. Descúbrelo ahora