CHAPTER 9

3.1K 146 76
                                    

CHAPTER 9

Napahawak ako sa tiyan ko nung kumirot yon. Tangina, nasaksak nga pala ako. Pinilit kong umupo kaya tinulungan ako ni Jungkook.

Nakita ko si Taehyung na natutulog sa may gilid. Wala naman sila Hobi, Jin at Namjoon. Nasan kaya yung tatlong yon? Nasan din si Yoongi?

Napansin ata ni Jungkook na may hinahanap ako kaya sinagot nya yung mga katanungan sa isip ko, "Sila Namjoon, niresbakan na yung kuya ni Denise. Si Yoongi, kinakausap yung doktor kaya magpahinga ka lang dyan."

Umupo si Jungkook sa upuan na katabi ng kama ko, "Ano bang nangyari?" Tanong nya. Kinwento ko sa kanya yung mga natatandaan kong nangyari bago ako masaksak. Naiinis pa rin ako sa nangyari. Kung alam ko lang siguro na merong swiss knife yon, nagawan ko pa ng paraan.

"Magkasama na naman kayo ni Yoongi?" Tanong nya. Sa lahat ng kinwento ko, yung magkasama lang kami ni Yoongi yung natandaan nya.

"Pwede namang ako yung yayain mo para samahan kang kumain. Kaya ko rin namang hindi pumasok sa klase natin eh." Sabi ni Jungkook saka tinignan si Yoongi na kakapasok lang, "Alis muna ako. Hoy, Taehyung gumising ka dyan. Samahan mo ko."

Nagising naman si Taehyung saka binatukan si Jungkook, "Istorbo ka sa tulog eh no. Ano bang gagawin natin?" Tanong nya habang nag-uunat pa.

"Bibili ng pagkain." Pagkasabi ni Jungkook non, tumayo agad si Taehyung habang nakangiti.

Inakbayan nya si Jungkook, "Tara, madali lang naman akong kausap." Sabi nya saka sila umalis.

Napailing na lang ako dahil kay Taehyung. Basta talaga pagkain yung usapan, lagi silang nabubuhay ni Jin eh.

"Ayos ka na?" Tanong ni Yoongi. Tumango ako, "Malayo sa puso to." Sabi ko saka tumawa pero ako lang yung natawa.

Nagkaroon na naman ng katahimikan sa kwarto kaya naalala ko yung mga sinabi ni Jungkook. May galit ba sya kay Yoongi o hindi naman kaya may nagawang mali si Yoongi sa kanya kaya mainit ulo nya lagi kay Yoongi?

"May tanong ako." Sabi ko kay Yoongi kaya tumango naman sya, "Mag kaaway ba kayo ni Jungkook?"

Umiling sya, "Bakit naman kami mag-aaway? Wala akong galit kay Jungkook. Pero baka sya yung may galit sakin."

Mas nagtaka ako kung ano ba yung problema ni Jungkook kay Yoongi. Nawala yung pag-iisip ko nung may pumasok.

"Jimin!" Sigaw ni Hobi saka tumakbo sakin at niyakap ako ng mahigpit. Binatukan ko sya kasi natatamaan nya yung tiyan ko na may saksak, "Masakit! Isaksak ko sayo yang baba mo eh." Sabi ko sa kanya.

Napasimangot naman si Hobi saka ako tinaasan ng middle finger, "Dagdagan ko yang saksak mo." Sabi nya.

Naglapag si Jin ng basket ng prutas doon sa table, "Sabi ni Jungkook, hindi ka daw pwede kumain kaya kami na lang kakain neto." Sabi nya. Kakain sana ako eh.

"Niresbakan nyo daw yung kuya ni Denise, totoo ba yon?" Tanong ko habang pinapanuod silang kumain ng mansanas na hinihiwa ni Yoongi.

Tumango naman agad si Namjoon, "Oo naman. Kailangan nyang turuan ng leksyon."

"Natakot nga yung gago eh. Sabi ko kasi tatawag ako ng pulis, nagmakaawa sya sakin. Hindi na daw nya gagawin yon." Sabi ni Jin.

Tumango naman ako, "Talagang matatakot yon, kasama nyo si Hobi eh. May panaksak na ngang dalawa, malakas pa sumipa." Sabi ko kaya natawa kami bukod kay Hobi.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now