CHAPTER 26

2.7K 147 218
                                    

CHAPTER 26

"PARK JIMIN!" Sigaw ni Taehyung pero tinalikuran ko lang sya saka nagtakip ng unan. 30 mins na lang, start na ng klase ko pero nandito pa rin ako sa bahay.

Inalis ni Taehyung yung unan kaya kinuha ko yung kumot ko at nagtakip ng mukha. Punyeta gusto ko lang naman magpahinga pero ayaw nya akong tigilan.

"Male-late ka na oy!" Sigaw nya pero di ko sya pinansin.

Narinig ko yung pagsara ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwag.

Gusto ko lang naman magpahinga. Lumipas na yung weekends pero hindi ko pa rin makalimutan yung pag-uusap namin ni Yoongi.

Ang sakit sakit pa rin.

Ilang taon kong hinintay yung araw na yon pero mauuwi lang rin pala sa wala.

"Tangina!" Sigaw ko nung biglang may nagbuhat sakin na parang sako saka ako binitbit pababa sa dining area.

"Jin hyung! Ibaba mo na ako!" Sigaw ko pero hindi sya nakinig. Panigurado nagsumbong si Taehyung kay Jin hyung na hindi pa ako bumabangon.

Wala na akong nagawa at hinayaan ko na lang sya na dalhin ako papunta sa dining area. 20 years old na ako tapos ganito pa rin trato sakin, parang bata.

Binaba na ako ni Jin hyung sa upuan ko saka sya nagpunas ng pawis, "Hindi ka pwedeng umabsent, Park Jimin."

"May sakit ako hyung." Sabi ko pero alam ko namang hindi sila maniniwala.

"Wala kang maloloko dito." Sabi ni Hobi habang kumakain.

Wala rin akong nagawa kundi pumasok na lang kahit ayoko talaga. Hinawakan akong mabuti ni Jin hyung sa kamay habang naglalakad kami sa campus.

Para akong hinahatak ng nanay nya papasok sa school.

"Wag kang magcu-cutting." Sabi ni Jin nung nasa tapat na sya ng building nya.

"Opo, nay." Sabi ko habang natatawa. Binitawan na nya ako saka sya kumaway habang umaakyat sya ng hagdan.

Dumiretso na ako sa building ko kahit late na ako ng 15 mins. Wala namang kwenta yung prof namin kaya ayos lang yan.

"Park Jimin, you're late." Sabi nya pagpasok ko.

"I know." Sabi ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko nung may napansin akong nakaupo sa tabi ng upuan ko. Vacant seat kasi yung katabi ko.

Umupo na ako sa upuan ko at nagulat ako nung makita ko kung sino yung katabi ko.

"Yoongi..." Bulong ko sa sarili ko. Tinignan nya ako pero umiwas din sya agad ng tingin.

Anong ginagawa nya dito?

Hindi ako makatingin sa mukha ni Yoongi kaya kinuha ko na lang yung notes ko.

Naalala ko yung unang araw na nagkita kami. Yung tinapon nya yung bag ko sa sahig dahil uupo sya sa tabi ko.

Ngayon katabi ko na naman sya.

"Hey." Narinig kong sabi ni Yoongi. Hindi ako lumingon kasi baka hindi naman ako yung kausap nya.

"Jimin." Napalingon agad ako nung tinawag ako ni Yoongi.

"Ha?" Nabibingi lang ata ako.

"Tour me in your school." Sabi nya pero hindi ako sumagot, "Be my tour guide."

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now