SPECIAL CHAPTER 1

2.6K 118 4
                                    

YOONGI'S POV

"Why do you have to go?" Tanong ni Eunice. Nakatingin lang ako sa lupa habang tahimik na nakikinig sa mga iyak ni Eunice.

Mahal ko sya pero gusto kong sumama sa pamilya ko. Hindi ko naman sya iiwan. Nandito pa rin naman ako para sa kanya pero bakit parang ang hirap ipaintindi sa kanya yon?

"Para ba sa future mo? Yoongi, you can have a future with me here. Don't leave me, please." Sabi nya saka ako niyakap. Niyakap ko rin sya pabalik.

I'm always here for Eunice. Nandito ako lagi para sa kanya pero nakalimutan ko na yung responsibilidad ko bilang isang anak. Lahat ng posible kong makuha sa New York, iniwan ko noon dahil gusto ko makasama si Eunice pero ngayon, gusto ko na gawin yung mga bagay para sa sarili ko.

"Kailangan kong umalis, Eunice." Sabi ko kaya kumalas sya sa pagkakayakap sakin. Tinignan ko sya at nakita ko yung disappointment sa mga mata nya.

"Bakit ba ang selfish mo, Yoongi? Hindi ka na ba masaya sakin?" Tanong nya kaya umiling ako. Sinubukan ko syang hawakan pero umatras sya.

"Eunice..." I called her name.

Pinunasan nya yung mga luha nya bago sya nagsimulang maglakad palayo sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko na namalayang wala na sya. Umuwi na ako sa bahay dahil paalis na rin kami.

"Kanina ka pa hinihintay ni mama, aalis na tayo." Sabi ni Suga hyung. Hindi ko sya sinagot at umupo na lang ako sa sofa. Sinara ni hyung yung magazine na binabasa nya saka ako tinabihan.

"Wag mo sabihing hindi ka sasama?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya. I want to go with them. Pero iniisip ko pa rin si Eunice.

"Galit sakin si Eunice." Sabi ko.

"Yoongi, if Eunice really loves you, tatanggapin nya to. Tatanggapin nya na hindi laging nandyan ka para sa kanya. You have your own life that you should mind." Sabi ni Suga hyung. Huminga ako ng malalim saka tumango.

He's right. I have my own life that I should mind.

The whole time, nakatingin lang ako sa labas habang pinapakinggan yung mga kanta na ginawa ko para kay Eunice. Hindi ko pa pinaparinig yon sa kanya dahil gusto ko, yun yung regalo ko sa kanya sa birthday nya. Pero mukhang hindi ko na magagawa pa yon.

"Yoongi." Napatingin ako kay Suga hyung nung kalabitin nya ako. Tinanggal ko yung headphones ko, "Nandito na tayo."

Lumabas na ako sa sasakyan saka kinuha yung maleta ko sa compartment. Nakatingin lang ako sa airport. Bigla akong nagdalawang-isip na umalis dahil hindi ko kayang umalis na hindi kami okay ni Eunice.

Suga hyung tapped my shoulders, "Let's go."

Huminga ako ng malalim. Naglakad na ako habang hatak-hatak yung maleta ko nung biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko yon at nakita ko yung pangalan ni Eunice.

Sinagot ko yon, "Euni--" napahinto ako nung hindi si Eunice yung nagsalita. Yung mama nya to.

["Hello, Yoongi? Mama to ni Eunice. Yung anak ko..."] narinig ko yung hagulgol ng mama nya. Bigla akong kinabahan kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko.

["Naaksidente si Eunice. Nasa hospital sya ngayon."] sabi ng mama nya. Napansin ni Suga hyung yung paghinto ko kaya nilapitan nya ako.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon