CHAPTER 33

2.6K 121 45
                                    

CHAPTER 33

"Goodmorning, Jimin." Bati sakin ni Yoongi paglabas ko ng bahay. Nagulat ako nung nakita ko sya dito. Anong ginagawa nya?

Lumapit ako sa kanya, "Goodmorning. Anong ginagawa mo dito?"

"Is it bad to fetch you? I'm just wondering if we can go to school together." Sabi ni Yoongi na parang wala lang sa kanya yung ginagawa nya sakin lalo na sa puso ko.

"Hindi naman. Sige, kukunin ko lang yung bag ko. Gusto mo bang pumasok muna?" Tanong ko.

Umiling si Yoongi, "I'll just wait for you here."

"My friends want to see you." Sabi ko. Tinignan ako ni Yoongi ng ilang segundo bago sya tumango sakin at sabay kaming pumasok sa bahay.

"Hey." Bati ni Yoongi nung nilapitan sya ng mga kaibigan namin. Nakipag-fist bump pa sila kay Yoongi.

Biglang niyakap ni Hobi si Yoongi, "Namiss kita, hyung-- aray ko!" Sigaw ni Hobi nung hatakin ko sya palayo habang hatak-hatak yung tenga nya.

"Wag ka namang magselos. Di ko na gusto si Yoongi, namiss ko lang talaga sya." Sabi ni Hobi habang nakahawak sa namumula nyang tenga.

Ningitian ko sya, "Alright. I'm sorry, Hobi hyung."

Tinignan ko si Yoongi na nakatingin lang sakin habang nakangiti, "What?" Tanong ko saka umiwas ng tingin. Masyadong halata yung pagseselos ko pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan eh.

"Wala." Sabi ni Yoongi, "Get your bag now."

Tumakbo ako paakyat para kunin yung mga gamit ko. Sila Namjoon sana yung kasabay ko kaso nandito na si Yoongi at nakakahiya naman kung ireject ko sya.

Bumaba na ako at nakita ko silang nag-uusap. Napatingin agad sakin si Yoongi. Lumapit ako sa kanya saka sya tinanong, "Tara na?"

"Sure." Sabi ni Yoongi saka kami nagpaalam don sa limang ugok.

Pumasok na kami sa sasakyan nya at sinuot ko agad yung seatbelt. Baka sya na naman yung magsuot ng seatbelt sakin at baka hindi na kayanin ng puso ko yon.

Nakatingin lang ako sa kanya, "Bakit ka nakangiti?" Tanong ko. Kanina pa kasi nya ako ningingitian at hindi ko alam kung bakit.

Tumingin sya sakin habang nakangiti pa rin sakin, "Nothing."

Napakunot yung noo ko habang nakatingin din sa kanya, "Bakit nga? Pag ako nainis ah." Sabi ko kaya mas lumawak yung ngiti nya.

"You're just cute especially when you're jealous." Sabi nya saka stinart yung engine.

Naramdaman ko yung pamumula ng pisngi ko. Nagselos ako pero hindi ko naman inaasahan na ganito yung sasabihin nya sakin.

"Look at you, you're blushing." Sabi nya kaya napahawak ako sa pisngi ko saka umiwas ng tingin.

"Mag-drive ka na nga lang." Sabi ko. Namumula pa rin yung pisngi ko kaya sa labas na lang ako tumingin.

"Jimin." Napapikit ako nung naramdaman kong may binato sa mukha ko si Yoongi. Napatingin ako sa teddy bear na nasa lap ko na binato ni Yoongi.

"Ano to?" Tanong ko saka tinignan yung bear na may pendant at may nakasulat doon.

"That's the bear from that stupid claw machine. I played more than ten times just to get that." Sabi ni Yoongi. Na-speechless ako sa sinabi nya. Pinaghirapan pala nyang kunin to.

One Kiss, One Lie | yoonminUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum