CHAPTER 20

2.8K 138 87
                                    

CHAPTER 20

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Yoongi. Di ako sumagot kaya hindi na sya nagtanong ulit.

Umakyat kami papunta sa rooftop ng bar nila Namjoon. Kung pwede ko lang sabihin kay Hobi na akin lang si Yoongi, sinabi ko na.

Nung nakarating na kami sa rooftop, binitawan ko na si Yoongi. Nakatingin lang sakin si Yoongi kaya huminga ako ng malalim saka umiwas ng tingin.

Bahala na kung malaman nyang may gusto ako sakanya. Bahala na kung halata na ako masyado.

"Importante daw yung sasabihin ni Hobi, gusto kong malaman kung ano yon." Sabi ni Yoongi sakin. Marinig ko pa lang na sabihin nya yung pangalan ni Hobi, naiinis na ako.

"Magjojoke lang ulit yon." Sabi ko, "Ganon naman lagi si Hobi diba? Puro joke lang yung alam."

Yoongi please, wag ka nang pumunta kay Hobi.

"Sabagay." Sabi ni Yoongi saka ako ningitian, "Bakit tayo nandito?"

Tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng view dahil gabi na at kitang-kita namin yung stars. Tumingin rin si Yoongi sa paligid namin at nakita kong natuwa sya sa view.

"Ang ganda nung moon. Ang sarap titigan." Sabi ni Yoongi habang nakatingin sa taas.

Nakatingin lang ako kay Yoongi habang naa-amaze sya sa nakikita nya. Si Yoongi lang naman yung gusto kong titigan buong magdamag.

"Yoongi." Pagtawag ko sa pangalan nya, "Naka-move on ka na ba kay Eunice?"

Napatingin sya sakin nung tinanong ko sya. Napaiwas ng tingin si Yoongi saka sya huminga ng malalim. Gusto ko lang naman malaman kung may pag-asa ako.

"Hindi pa ako nakaka-move on." Sabi ni Yoongi saka ako tinignan.

Napayuko ako. Bakit ba ako umaasa na baka pwedeng maging kami ni Yoongi? Alam kong nagpapakatanga na ako pero wala akong pakialam dahil si Yoongi lang naman ang gusto ko.

"Pero tanggap ko nang wala sya." Sabi ni Yoongi kaya napaangat ako ng tingin.

Ningitian lang nya ako saka nya ako tinapik sa balikat, "Baba na tayo. Gusto ko nang uminom."

Nauna na syang bumaba sakin habang ako, pinag-iisipan ko yung sinabi nya. Ibig sabihin okay na sya? Tanggap na nyang wala na si Eunice. Hindi ba yun yung simula ng pagmo-move on nya?

Nakangiti akong bumaba at nakita ko na silang umiinom. Tumabi ako kay Taehyung saka naglagay sa baso ko ng alak, "Congrats ulit kay Namjoon." Sabi ko.

"Salamat bro." Sabi nya saka kami nag-cheers lahat.

"Para sa future mixtape ko at sa future namin ni Jin. Cheers ulit!" Sabi ni Namjoon saka kami nag-cheers.

Lumapit si Namjoon kay Jin saka may binulong sa tenga ni Jin. Biglang namula yung pisngi ni Jin saka may binulong din kay Namjoon.

Tinignan ko si Hobi at nahuli ko syang nakatingin sakin. Umiwas sya ng tingin saka kumuha ulit ng alak.

"Hobi." Pagtawag ni Yoongi sa kanya. Namumula na yung pisngi saka tenga ni Yoongi. Marami na ata syang nainom, "Ano nga ulit yung sasabihin mo sakin dapat kanina?"

Nagtinginan kami ni Jin dahil alam namin pareho kung ano yung sasabihin ni Hobi. Parang nagulat si Hobi kasi tinanong ni Yoongi yon.

"Sabihin mo na lang sa harapan namin, Hobi." Sabi ni Jin kay Hobi. Napayukom ako ng kamao habang hinihintay na sabihin ni Hobi.

One Kiss, One Lie | yoonminDove le storie prendono vita. Scoprilo ora