CHAPTER 44

2.4K 116 63
                                    

CHAPTER 44

Inabot sakin ni Jungkook yung tuwalya. Kinuha ko yon saka binalot sa sarili ko. Nandito kami sa condo ni Jungkook. Hindi ko alam na may sarili syang condo pero lagi naman syang umuuwi sa bahay kaya hindi namin napansin.

"Malakas yung ulan, hindi tayo makakauwi. Dito muna tayo magpapalipas ng gabi." Sabi ni Jungkook habang may inaayos sa kusina.

Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan nya habang tinitignan si Jungkook. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung mga nalaman ko.

Pakiramdam ko, para na rin akong namatay. Hindi ko alam kung bakit nangyari kay Yoongi yon at tuwing iniisip ko na wala na sya, para akong pinapatay sa sobrang sakit.

Nakita ko si Jungkook sa harapan ko at bigla nyang pinunasan yung mga luha na tumutulo sa mata ko. Napayuko ako nung ginawa ni Jungkook yon.

"Umiiyak ka na naman." Sabi nya. Hinawakan ni Jungkook yung kamay ko saka ako dinala sa tapat ng cr. Inabot nya sakin yung plain shirt nya at shorts.

"Baka magkasakit ka na kasi. Kailangan mong magpalit ng damit." Sabi sakin ni Jungkook. Huminga ako ng malalim saka kinuha yung damit na pinahiram ni Jungkook at pumasok sa cr para magpalit.

Pagkatapos kong mag-shower at magpalit ng damit, napatingin ako sa salamin.

Naaawa ako sa sarili ko. Minsan na nga lang ako magmahal ng totoo pero ginago pa ako. Alam kong walang kasalanan si Yoongi sakin at hindi ako galit sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpaloko ako sa kapatid nya. Hindi ko alam kung bakit nagpanggap si Suga bilang si Yoongi pero wala na akong balak alamin pa dahil ayoko na syang makita ulit.

Nakarinig ako ng katok kaya binuksan ko yung pinto, "Nagluto ako ng ramen, hyung. Kain na tayo." Sabi ni Jungkook.

Lumabas na ako saka kami dumiretso sa kusina. Umupo na ako at ganon din si Jungkook. Nagsimula nang kumain si Jungkook pero nakatingin lang ako sa pagkain na nasa harap ko.

Wala akong gana kumain. Gusto ko na lang itulog lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil pagod na ako. Si Yoongi lang lagi yung nasa isip ko.

Napatingin ako kay Jungkook nung napansin kong huminto sya sa pagkain at nakatitig lang sya sakin, "Wala akong gana kumain." Sabi ko saka umalis sa kusina.

Dumiretso ako sa tapat ng bintana ni Jungkook sa tinitigan yung langit.

Nakikita mo ba ako mula dyan Yoongi? Ako nga pala yung taong umaasa na babalik at makikita kita ulit pero hindi ka na bumalik. Iniwan mo na ako. Sabi ng kapatid mo, lumaban ka daw sa sakit mo para sakin dahil gusto mo akong makita. Sana sinabi mo sakin para naman ako mismo yung pumunta sayo at inalagaan kita.

"Miss na miss na kita." Sabi ko saka pinunasan yung luha ko. Naramdaman ko yung paghagod ni Jungkook sa likuran ko.

"Pwede ka namang umiyak sa balikat ko, ayos lang sakin." Sabi ni Jungkook nung napatingin ako sa kanya. Niyakap ako ni Jungkook kaya umiyak na ako sa balikat nya.

"Ang sakit sakit." Sabi ko kahit na nahihirapan na akong magsalita.

"Ssh, iiyak mo lang yan." Sabi nya, "It's okay to cry. Naalala mo ba nung mga panahong umiiyak ako dahil kay Arian? Sabi mo sakin, magiging ayos din yung lahat. Now is the right time to apply those words to yourself. Magiging ayos din yung lahat, Jimin hyung."

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Jungkook saka pinunasan yung luha ko, "Kung ikaw ba yung minahal ko dati, hindi ako masasaktan ng ganito?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung tanong na yon.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now