CHAPTER 2

4.6K 198 190
                                    

CHAPTER 2

Sigawan agad ng mga tao yung narinig ko pagpasok namin ng bar. Kahit Monday ngayon, marami pa ring tao sa bar. Mas maraming tao, mas maraming magagandang babae. Nakahanap agad kami ng pwede naming upuan sa loob ng bar.

Sinundan nang mata ko yung isang babae na paika-ikang naglalakad papunta sa counter habang may hawak na baso. Napaismid ako nung nakita ko yung suot nya. Naka-tshirt lang sya saka pantalon.

"Bigyan mo ko ng beer, kuya! Yung pinakamahal na beer dito, okay? Kaya kong bayaran yan!" Sigaw nya don sa waiter.

Naramdaman kong siniko ako ni Jungkook. Ninguso nya sila Jin na masayang sumasayaw sa dance floor, "Di ka sasayaw Jimin?" Tanong nya.

"Baka kapag ako yung sumayaw dyan, madiscover agad ako. Gwapo ko pa naman." Sabi ko. Kunwari namang nagsuka si Jungkook sa sinabi ko kaya nakatanggap sya ng batok galing sakin.

"Order lang ako ng iced tea." Sabi ni Jungkook saka pumunta sa counter. Tumango na lang ako sa kanya saka tumingin ulit doon sa babae.

Kung kanina, para syang baliw na sumisigaw sa bar, ngayon naman umiiyak na sya. Ang weird talaga ng mga babae.

"Hoy Park Jimin!" Sigaw ni Taehyung sakin. Tinabihan nya ako dito sa upuan.

"Hoy ka din."

Nakita ko namang nakangiti ng malawak si Taehyung. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa ngiti ni Taehyung na ganito, "May sasabihin ako sayo."

Napakunot naman noo ko. Lasing na ba tong kupal na to? Inunahan pa akong uminom, "Ano yon?"

"Umihi ako sa cr ng girls." Sabi nya saka tumawa ng malakas.

Muntik na ata akong mabulunan sa sarili kong laway sa narinig ko. Anong klaseng trip to? Bakit hindi ako sinama ni Taehyung?

"Nanilip ka lang don eh! Bakit hindi ka nangsasama? Gago ka." Sabi ko.

Umiling naman si Taehyung, "Gago ka din. Hindi ako nanilip no! May iba akong ginawa don." Sabi nya.

"Ano?"

Lumapit naman sya sa tainga ko saka bumulong, "Sa lababo ako umihi." Sabi nya. Buti na lang wala akong iniinom kundi nabuga ko na talaga sa mukha ni Taehyung yon.

"Kadiri ka gago. Lumayo ka nga sakin." Sabi ko saka tumayo na para pumunta sa counter. Hinayaan ko na si Taehyung don, kaya naman nyang kausapin yung sarili nya habang wala kami.

Umupo ako don sa tabi nung babaeng nakita ko kanina. Nakatitig lang sya sa hawak nyang baso habang umiiyak. Umorder na ako ng pwede kong mainom at pasimple kong nilagay yung panyo ko sa harapan nya.

Napatingin sya sa panyo saka sya tumingin sakin, "I don't talk to strangers." Sabi nya saka inusog yung panyo pabalik sakin.

Wow, sungit. Sya na nga binigyan ng panyo.

Kinuha ko yung panyo ko, "Ayaw mo? Edi wag." Sabi ko. Itatago ko na sana yung panyo pero bigla nyang inagaw sakin yon saka suminga ng malakas sa panyo ko.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now