CHAPTER 22

2.5K 132 47
                                    

CHAPTER 22

"Tapos na ako kumain." Sabi ni Namjoon pagdating ko sa dining area. Tumayo na sya saka kinuha yung jacket nya.

Tinignan ako ni Jin saka sya bumuntong hininga, "Ako din. Papasok na kami."

Dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng bottled water. Wala na akong gana kumain. Alam kong kasalanan ko pero hindi naman ata tama na ganito trato nila sakin.

"Inumin mo." Sabi ni Taehyung saka may nilagay na gamot sa table, "Alam kong may hangover ka pa."

"Galit ka sakin diba?" Tanong ko. Inabot ni Taehyung yung kamay ko saka nilagay don yung gamot.

"Galit ako sayo pero ako pa rin naman yung bestfriend mo, Jimin." Sabi nya. Tipid akong ngumiti kay Taehyung saka binuksan yung gamot, "Salamat, Taehyung."

"Kumain ka muna dito, Chim." Pagtawag sakin ni Hobi. Hinatak ako ni Taehyung papunta sa dining area at pinaupo sa upuan ko.

"Mag-sorry ka na kay Namjoon hyung." Sabi ni Jungkook, "Pabebe lang yon. Alam mo namang hindi ka matitiis non."

Kumuha ako ng kanin saka ng ulam kahit wala akong gana kumain, "Alam ko naman yon. May plano naman talaga ako na mag-sorry pero hindi ko alam kung paano ko iiwasan si GD." Sabi ko.

"Simple lang, break your contacts with him." Sabi ni Hobi saka uminom ng tubig.

"Susubukan ko." Sabi ko saka nagsimula nang kumain.

"Wag mong subukan. Gawin mo." Sabi ni Taehyung habang may ka-text. Tumayo na si Taehyung, "Mauuna na ako. Susunduin ko pa si Erin sa bahay nila."

"Malapit na anniversary ng panliligaw mo dyan ha? Hanggang ngayon di ka pa rin sinasagot." Sabi ni Jungkook habang natatawa.

Pinalo naman sya ni Taehyung sa braso, "Porket sinagot ka agad ni Arian ginaganyan mo ko? Pakyu."

Natahimik naman si Jungkook nung narinig nya yung pangalan ni Arian, "Ngayon nanahimik ka? Ayusin nyo na kasi yan baka magkalabuan pa kayo."

"Ilang beses ko nang inexplain na hindi ko nga gusto yung Sofia na yon, okay? Pero ayaw pa rin nyang maniwala." Sabi ni Jungkook saka ginulo yung buhok nya.

"Edi gumawa ka ng paraan para mapatawad ka nya. Gusto mo bang tulungan ka namin?" Tanong ni Hobi saka tinaas-taas pa yung kilay nya.

"Siguraduhin mong matino yan." Sabi ni Jungkook kay Hobi.

Pinag-usapan namin yung plano kung paano mag-aayos si Jungkook saka si Arian bago kami pumasok sa school.

Dumiretso ako sa locker ko pagkatapos kong iparada yung motor ko sa parking lot. Kinuha ko na yung iba kong gamit sa locker nung nakita ko sila Xyrene na papunta sa pwesto ko.

"Hey, Jimin." Sabi ni Xy saka sumandal sa locker ko. Ni-lock ko na yung locker ko saka tumingin sa kanya.

"Hey."

"Are you free tonight?" Tanong ni Faye. Alam ko naman kung ano yung gusto nila. Matagal na nilang sinusubukan na landiin ako pero walang epekto sakin.

Sasagot na sana ako pero biglang sumulpot sa tabi ko si Arian.

"Sorry girls pero kahit free sya tonight, hindi nya kayo papatulan." Sabi ni Arian saka ako inakbayan, "Hindi kasi pumapatol si Jimin sa mga bayaring babae."

Biglang tumaas yung kilay ni Xy, "Excuse me? Sinong tinawag mong bayarin?"

"Sino ba yung malandi dito? Kayong tatlo lang naman diba?" Sabi ni Arian saka ningitian yung tatlong bibe, "Kung gusto nyong patulan kayo ni Jimin, ayusin nyo muna yung ugali nyo."

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now