CHAPTER 40

2.7K 130 82
                                    

CHAPTER 40

Nagmamadali akong tumakbo paakyat sa building namin dahil kanina pa ako late. Bukas na kasi yung prelims kaya buong gabi akong nagreview. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko tutulugan yung mga reviewer ko pero hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Sorry!" Sigaw ko don sa nabunggo kong babae pero hindi na ako lumingon pa dahil nagmamadali na talaga ako.

Hinihingal akong nakarating sa room namin at napansin kong may note na nakasulat sa salamin ng pintuan namin.

Use my time to review for your prelims tomorrow. Goodluck! -Sir Reyes

Nagulo ko na lang yung buhok ko dahil sa nabasa ko. Wala rin naman palang gagawin edi sana hindi na ako nagsayang ng oras na pumasok pa sa school.

Wala pa si Yoongi dahil mamaya pa yung klase nya. Tinext ko sya na wala kaming klase ngayon.

Naglalakad lang ako sa hallway habang naghahanap ng pwede kong makasama. Wala naman akong ibang kaibigan sa school bukod sa mga naging kaibigan ko na dati. Meron naman akong mga kilala na gusto akong maging kaibigan pero hindi kasi ako ganon kabilis magtiwala.

Nakasalubong ko sila GD nung napadaan ako sa field. Nagtatawanan sila ng mga kaibigan nya na naging kaibigan ko rin nung kaibigan ko pa sya. Mahalaga rin naman yung pagkakaibigan namin ni GD para sakin pero mas mahalaga sakin si Namjoon.

Napatingin ako sa phone ko nung nag-vibrate yon. Nagtext sakin si Yoongi na papunta na sya sa school.

Matagal pa bago makarating si Yoongi sa school kaya umupo muna ako sa isang bench at nilabas yung mga reviewer ko. Nagbabasa lang ako ng reviewer ko nung bigla akong tabihan ni Jungkook.

"Hyung, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jungkook.

"Hinihintay ko si Yoongi." Sabi ko. Tinignan ko yung kamay ni Jungkook na nakalagay na sa braso ko, "Samahan mo kong kumain, hyung." Sabi nya saka ako hinatak patayo sa bench.

Wala akong nagawa kundi magpahatak na lang kay Jungkook papunta sa canteen. Naghanap kami ni Jungkook ng pwesto at saka umupo.

"Bibili lang ako." Sabi ni Jungkook saka ako iniwan sa upuan ko.

Ang tagal naman ni Yoongi dumating. Kinuha ko yung phone ko saka tinext si Yoongi na nasa canteen ako kasama si Jungkook at pumunta na lang sya dito.

"Wala pa rin ba si Yoongi?" Tanong ni Jungkook pagkarating nya. Inalis na nya sa tray yung binili nyang pagkain.

"Wala pa eh." Sabi ko saka pinanuod kumain si Jungkook. Kanina pa kasi ako nagugutom kasi hindi ako nakakain ng breakfast tapos ang tagal pa ni Yoongi dumating.

Napansin ata ni Jungkook na nakatitig ako sa kanya habang kumakain sya, "Gusto mo ba hyung?"

Hindi ako sumagot kasi nahihiya rin ako. Alam kong hindi pa kumakain si Jungkook kasi maaga syang pumasok kanina kaya alam kong gutom na sya.

"Aah!" Sabi nya saka ngumanga habang nakatapat yung kutsara sa bibig ko at may laman yung pagkain.

Kahit nahihiya ako, kinain ko pa rin yung bigay ni Jungkook.

Kumain ulit si Jungkook tapos naglagay sya ulit sa kutsara nya ng pagkain at tinapat sakin yon.

Kakainin ko na sana ulit kaso biglang may humatak sakin patayo at paalis sa canteen.

"Yoongi!" Pagtawag ko sa pangalan nya, "Hindi pa ako tapos kuma--"

"Edi kumain ka ulit kasama ko." Sabi ni Yoongi habang kinakaladkad pa rin ako.

One Kiss, One Lie | yoonminHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin