SPECIAL CHAPTER 4

2.2K 97 30
                                    

YOONGI'S POV

Tinitigan ko si Jimin habang paakyat na sya ng stage. Gagraduate na sya ngayon at kitang kita ko kung gaano sya kasaya. Pinunasan ko yung luha na lumabas sa mata ko saka ngumiti dahil sobrang proud ako sa kanya.

Kahit sobrang gago ni Jimin, natutuwa ako kasi natupad na nya yung isang goal sa buhay nya. Graduate na sya pero hindi nya ako kasama. Mas masaya siguro kung pareho kaming gagraduate ngayon at sabay na magco-college pero hindi na mangyayari yon.

Life is so unfair.

Gusto ko lang naman maging masaya. Ngayon na lang ako naging masaya ulit dahil kay Jimin tapos ngayon, ipagkakait pa sakin?

Lumabas na ako sa school pagkatapos nung graduation ceremony pero nagulat ako nung may humatak sakin papunta sa isang tagong lugar.

Nakita ko si Jungkook na nakatingin lang sakin na parang hinihintay na magsalita ako.

"Congratulations." Yun na lang yung sinabi ko pero imbes na pasalamatan nya ako, nakatingin lang sya sakin.

"Pwede ba kitang sapakin kahit isang beses lang?" Tanong nya pero hindi ako sumagot. Kung gusto nya akong suntukin, suntukin na nya ako at wag na syang magpaalam.

"Saan ka pumunta? Bakit ka umalis? Alam mo ba kung gaano nasasaktan si Jimin ngayon dahil sayo?" Tumango ako dahil alam ko naman na nasaktan ko si Jimin.

"Hindi ako tanga, alam ko kung gaano kasakit yung ginawa ko."

Hinawakan ni Jungkook yung braso ko, "Sumama ka sakin, dadalhin kita kay Jimin." Sabi nya pero bago pa man kami makaalis, pinigilan ko na sya.

"Wag." Sabi ko, "Aalis na ako. Babalik na ako sa New York. Alagaan mo si Jimin para sakin pero wag mo syang aagawin dahil babalik rin ako dito at pagbalik ko, dapat sakin pa rin sya."

"Ang selfish mo." Sabi nya, "Aalis ka ng walang paalam kay Jimin tapos gusto mo na ikaw pa rin yung gusto nya pagbalik mo? Wala syang kaalam alam sa gagawin mo tapos gusto mo magpakatanga sya para sayo?"

"May mga bagay na hindi na dapat malaman ni Jimin." Sabi ko.

"Edi tangina mo pala kung ganon." Sabi ni Jungkook.

"Wag mong sasabihin kay Jimin na nakita mo ako dito at mas lalong wag mong sasabihin na pupunta ako sa New York."

Napakunot yung noo ni Jungkook, "Bigyan mo ko ng magandang rason kung bakit hindi ko dapat sabihin kay Jimin yung totoo."

"May sakit ako." Sabi ko na nagpatahimik kay Jungkook, "Kailangan kong magpagamot kaya kung pwede, ikaw na lang yung mag-alaga kay Jimin habang nagpapagamot ako? Mas mahihirapan si Jimin kung malalaman nya yung sitwasyon ko."

Huminga ng malalim si Jungkook saka hinawakan yung kamay ko, "Sorry kung ganito yung mga sinasabi ko sayo. Magpagaling ka, okay? Ipangako mo sakin na babalik ka kasi kung hindi ka babalik, baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko at baka agawin ko sayo si Jimin."

Napangiti ako sa sinabi nya saka tumango, "Wag mo rin sasabihin to sa iba. Ikaw lang yung may alam kung nasaan ako at bakit ako aalis. I trust you, Jungkook."

Tinapik ni Jungkook yung balikat ko, "Sayo na si Jimin. Pinaparaya ko na sya basta bumalik ka lang ng buhay at wala ng sakit."

Nakatingin lang ako sa airport habang iniisip yung gagawin ko. Pagkatapos kong makausap si Jungkook, tinulungan na ako ni Suga hyung na ayusin yung flight ko papuntang New York.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now