CHAPTER 32

2.6K 139 89
                                    

CHAPTER 32

"Dali na kasi." Sabi ni Taehyung habang hinahatak ako. Gusto nyang tulungan ko sya kay Erin. Ang tagal na nyang pinopormahan yon pero wala pa ring pake si Erin sa kanya.

Sa lahat ng babaeng nakakasalubong ni Taehyung, lagi silang napapatitig sa kanya. Si Erin lang talaga yung kayang paglaruan si Taehyung ng ganito. Tinamaan sa pag-ibig ang loko.

"Ayoko nga puta, bibili pa ako ng bagong cellphone." Sabi ko kay Taehyung saka tinanggal yung pagkakahatak nya sa braso ko. Lumungkot yung mukha ni Taehyung at para syang nagpapa-cute sakin.

Huminga ako ng malalim, "Gagawan natin ng paraan yang panliligaw mo, okay? Pero sa ngayon, ihanda mo muna yung sarili mong ma-reject ni Erin." Sabi ko saka tinapik yung braso nya.

Pinalo ako ni Taehyung sa braso, "Wala ka talagang kwenta kausap. Sige na nga, kela Jin na lang ako magpapatulong." Sabi nya saka ako iniwan sa hallway.

Tapos na yung klase ko pero hindi ko pa rin nakikita si Yoongi. Nasan kaya yung pandak na yon?

Naisip kong itext si Jungkook kaso naalala kong wala nga pala akong phone. Bwisit naman kasi talaga sa buhay yung photographer na yon, buti na lang napigilan ko yung sarili ko kundi baka nasapak ko sya ng wala sa oras.

Pumunta ako sa building nila Jungkook para magbakasakaling nandon sya at hindi nga mali yung hula ko. Nandon pa rin sya sa classroom nila at nakatingin lang sya sa kawalan.

Pumasok ako pero hindi pa rin nya ako napapansin. Ganon ba kalalim yung iniisip nya?

Tumabi ako sa kanya saka sya kinalabit, "Hoy, Jungkook. May problema ka ba?"

Parang nagulat sya na nasa tabi nya ako, "Nandyan ka pala hyung. Sorry hindi kita napansin."

"Masyado kasing malalim yung iniisip mo kaya hindi mo ako napansin." Sabi ko. Umiwas ng tingin si Jungkook saka huminga ng malalim.

May problema kaya sila ni Arian?

"Nag-away na naman ba kayo?" Tanong ko pero hindi ako sinagot ni Jungkook. Nagdadalawang isip sya kung sasagutin nya yung tanong ko o hindi.

"Wag kang magsinungaling sakin, Jungkook. Hindi ka magaling magsinungaling." Sabi ko kaya napatingin sya sakin.

"Hindi kami nag-away. May nangyari lang pero wag na muna nating isipin yon. Bakit ka nga pala nandito Jimin hyung?" Tanong ni Jungkook.

Naalala ko na naman yung kawawa kong iPhone.

"Nasira kasi yung cellphone ko kaya kailangan kong bumili ng bago. May klase ka pa ba?" Tanong ko. Umiling si Jungkook kaya tumango ako. Buti na lang at tapos na yung klase nya kasi hindi ko alam kung kanino ako magpapasama.

Kay Yoongi sana kaso hindi ata sya pumasok.

"Bakit hindi ka magpasama kay Yoongi?" Tanong nya habang inaayos yung mga gamit nya.

"Wala kasi sya eh. Nag-aalala nga ako kung bakit hindi sya nakapasok."

Sinuot na ni Jungkook yung bag nya kaya lumabas na kami sa classroom, "Baka may sakit? O kaya naman tinamaan ng katamaran."

Umiling ako, "Masipag mag-aral yon. GC yon eh."

Natawa si Jungkook, "Sabagay. Nung mga panahong tamad pa tayo, mataas na talaga yung grades ni Yoongi."

"Kaya nga mas nagustuhan ko sya eh." Sabi ko saka tinignan si Jungkook.

"Alam mo Jimin hyung, tuwing naaalala ko na nagkagusto ako sayo, hindi ko alam pero natatawa na lang ako. Ang torpe ko pala sayo dati? Kahit wala na akong pera, ililibre pa rin kita. Lagi rin akong nagseselos pero hindi mo alam yon." Sabi ni Jungkook saka ngumiti.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now