CHAPTER 3

4.1K 181 135
                                    

CHAPTER 3

"Kahit kailan talaga patay gutom ka eh no?" Sabi ni Namjoon kay Jin na tahimik na kumakain ng tinapay. Pinalo sya ni Jin sa braso, "I'm the happiest when I eat." Sabi ni Jin.

"Wow, happiest." Sabi ni Hobi. Tinignan naman sya ni Taehyung, "Kaya mo ba i-spell yung happiest?" Pang-aasar ni Taehyung. Kung maka-asar to akala mo naman alam nya yung spelling.

"Bakit ikaw kaya mo?" Panghahamon ni Hobi. Binatukan sya ni Taehyung kaya muntik nang mabilaukan si Hobi, "Oo kaya ko! Matalino ako, boi. I'm best in English." Sabi ni Taehyung habang naka-smirk pa.

"Sige nga, spell mo nga." Sabi ni Jungkook.

Nag-isip muna saglit si Taehyung, "H-a-p-p-y-e-s. Yan yung spelling." Proud na proud pang sabi ni Taehyung.

Nakipag-apir ako kay Taehyung. Syempre bestfriend ko yan eh. Naniniwala ako sa kanya na magaling sya sa English.

Huminga ng malalim si Namjoon, "Hindi ko alam kung bakit ginagawa mong display lang yung mga libro na binibili sayo ng nanay mo. Tangina sayang pera sayo eh!" Sabi ni Namjoon.

"Mali spelling nya no?" Tanong ni Hobi. Tumango naman si Jin at Namjoon. Biglang pumalakpak si Hobi, muntanga talaga to, "Alam ko spelling ng happiest. Trust in me, guys. I know what to does."

Isa pa tong bobo eh. Bobo din naman ako pero wag nyo ko hinahamon sa spelling. Magaling ako dyan.

"English mo pa lang, alam ko nang mali yan." Sabi ko saka uminom ng coke. Sinamaan naman ako ng tingin ni Hobi, "Bakit kaya mo bang i-spelling yung happiest?"

Natahimik ako saglit. Ano nga ba yung spelling ng happiest?

"Dick na lang, boi. Mas madali." Sabi ko kay Hobi. Magsasalita pa sana si Hobi nung bigla kaming nakarinig ng malakas na tawanan sa labas ng canteen.

"School ba talaga to o mental? Daming baliw dito puta." Sabi ni Jin habang naglalakad kami palabas.

Nakita naming nagkukumpulan yung mga tao sa quadrangle ng school. Tinulak namin yung mga kupal na harang sa daanan namin kaya napunta kami sa harap.

"Diba yun yung bago nating classmate?" Sabi ni Taehyung. Tinignan kong mabuti yung ginagawa nila at si Min Yoongi nga yung binubugbog. Hindi pa nga ako nakakaganti sa ginawa nyan sakin nung isang araw tapos uunahan nila ako sa pambubully sa kanya.

"Wala talagang patawad yung mga gagong yon." Bulong ni Jin habang pinapanuod lang na bugbugin nila Jaebum si Yoongi.

"Mayabang ka diba? Bagong salta ka lang dito, wag mo kong ginagalit!" Sigaw ni Jaebum. Tuwang tuwa yung iba nyang mga kasama na patpatin naman yung katawan.

"Akala mo kung sino ka. Bakit sino ka ba para kami pa kalabanin mo ha? Kilala mo ba kami? Ako si Bambam." Sabi ni Bambam habang nakahawak sa panga ni Yoongi.

"Isang ubo ka na lang gago." Narinig kong bulong ni Hobi. Inalis ni Yoongi yung pagkakahawak ni Bambam sa pisngi nya saka dumura.

"Ako si Min Yoongi. Hindi kita kilala kasi wala akong pake sayo pero kilala ko sya." Sabi nya saka tinuro si Jaebum, "Hanggang ngayon ba naiinggit ka pa rin sakin?"

"Gago ka ah." Sabi ni Jaebum at sasapakin na nya sana ulit si Yoongi nung nakita ko na lang si Namjoon doon.

"Before making a scene here, make sure it makes sense. Don't use your body to justify your rights just because he did something wrong to you. Talk and make peace." Sabi ni Namjoon. Napahawak sa braso ko si Taehyung.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now