CHAPTER 23

2.7K 126 69
                                    

CHAPTER 23

"Jimin, ayos ka lang?" Narinig ko yung boses ni Jungkook habang kumakatok sa pintuan ko.

Kahit wala akong gana bumangon sa kama ko, binuksan ko pa rin yon at tumambad sakin yung mga kaibigan ko.

"Anong nangyari sa lunch nyo ng mama mo?" Tanong ni Taehyung. Pumasok sila sa kwarto ko at kahit si Namjoon na galit pa rin sakin ay nandito.

"May sinabi sya sakin." Sabi ko pagkaupo ko sa kama ko.

"Ano?"

Hindi ko napigilan yung luha ko, "Buntis si mama. Magkakaroon ako ng kapatid."

"Kailan pa sya buntis?" Tanong sakin ni Jin. Napayuko ako saka pinunasan yung luha ko, "Hindi ko na tinanong. Ayoko na rin malaman."

"Hindi mo ba matatanggap yung kapatid mo kung sakali?" Tanong ni Hobi habang hinahaplos haplos yung likod ko.

Tumingin ako sa kanya, "Hindi ko kaya, hyung. Hindi ko kayang may kahati."

"Jimin." Napatingin ako kay Namjoon nung tinawag nya ako, "Alam kong masakit malaman na may kapatid ka sa labas pero hindi ba parang unfair sa kapatid mo yon? Wala syang kaalam alam sa issue ng pamilya nyo at wala rin syang kinalaman don."

"It's unfair if you'll treat him or her that way just because of your family issues." Sabi nya.

"It's also unfair that you're treating me this way." Sabi ko kay Namjoon, "Please, magbati na kasi tayo."

Natawa si Namjoon saglit saka sumeryoso ulit yung mukha nya, "As much as I want to stay mad at you, I can't. Alam mo namang mahalaga ka sakin." Sabi nya.

Ningitian ko sya at ganon rin sya sakin, "Halika nga ditong pandak ka." Sabi nya saka binuka yung braso nya ng sobrang laki.

Tumakbo ako papunta kay Namjoon saka sya niyakap ng mahigpit.

I feel comfortable again. This is my family. Hindi kami magkakadugo but our bond is priceless.

"Yes naman! Bati na sila. Woot woot!" Sigaw ni Hobi, "Sali nyo naman kami sa yakapan nyo."

Tumakbo sila papunta samin ni Namjoon at nagyakapan kami ng mahigpit, "Tangina nyo, mga bakla." Sabi ni Taehyung.

Hinampas ko sya ng unan kaya natumba sya sa kama ko, "Hayop ka talaga, Jimin."

"Hayop sa kagwapuhan." Sabi ko saka tumawa ng malakas.

Eto yung parte sa tropa ko na hindi nakikita ng mga magulang ko. They will never see how happy I am when I'm with my friends.

"Gawin na ba natin yung plano nating Oplan: Pagbatiin Ang ArKook?" Tanong ni Taehyung.

"Let's go!" Sigaw ni Hobi.

"Dadalhin ko na yung gitara ko." Sabi ko. Inayos na namin yung dadalhin namin para sa gagawin naming panghaharana kay Arian.

"Kinakabahan ako, hyung." Sabi ni Jungkook habang pinupunasan nya yung pawis nya.

Tinapik ko yung balikat nya, "Magtiwala ka lang, hindi lilipas yung gabi na to na hindi pa kayo ayos ni Arian."

"Sana nga, hyung." Sabi nya pero halata pa rin yung kaba sa mukha nya.

Pumasok na kami sa sasakyan ni Namjoon at dumiretso kami sa park. Sinabi ko kay Arian kanina na may sasabihin ako sa kanyang importante at magkita kami sa park ngayon.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now