CHAPTER 45

2.6K 137 65
                                    

CHAPTER 45

03/09/13

Dear Jimin,

I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita bago ako nawala. Hindi ko sinasadya lahat ng yon Jimin. Kailangan kong umalis kahit ayoko. Natatakot ako, Jimin. Takot na takot ako sa mangyayari. Sorry kung nagsinungaling ako. Patawarin mo ko, Jimin. Alam kong mahal mo ako, hindi ako manhid para hindi maramdaman yon. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kasi tinulungan mo kong makalimutan si Eunice. Hindi mo alam kung gaano ako natuwa nung narinig ko mismo sayo na mahal mo ko. Mahal rin kita Jimin. Mahal na mahal kita pero hindi pwede.

Hindi rin naman kasi magtatagal yung buhay ko. Ayokong maging pabigat sayo o kahit sino sainyo. Jimin, sorry pero may eye cancer ako. Malala na ako Jimin. Kailangan kong pumunta sa New York para magpagamot. Susubukan kong magpagaling para sayo, Jimin.

Park Jimin, I love you.

Yoongi

--

04/06/13

Dear Jimin,

Congratulations Jimin! Graduate ka na rin ng highschool. Sayang, hindi mo ko kasamang umakyat sa stage. Pumunta ako kanina sa Delville All-Boys School para manuod ng graduation ceremony. Hindi nyo lang ako napansin kasi nasa dulo ako. Jimin, gusto ko rin grumaduate kasama ka pero parang imposible nang mangyari yon. Ang saya saya mo tignan kanina. Gusto kitang i-congratulate pero ayoko na makita mo ko dahil baka tanungin nyo lang ako kung anong nangyayari sakin at bakit ako umalis sa school. Hindi ko kayang sabihin sayo lahat Jimin kaya dinadaan ko sa sulat. Alam kong nasaktan kita pero mas nasasaktan ako ngayon. Sana mapatawad mo pa ako.

Yoongi

--

05/01/13

Dear Jimin,

Flight ko na mamaya papuntang New York. Gusto kitang makita kaya dumalaw ako sa school kanina pero sabi nung guard sakin, umalis na raw kayo sa dorm. Hindi ko na kayo naabutan. Huling kita ko sayo ay nung graduation ceremony. Gusto kita puntahan araw-araw sa school para lang makita kung okay ka pero hindi ko magawa dahil lagi akong nasa ospital. Hirap na hirap na ako Jimin. Minsan gusto ko na lang mamatay pero ayoko. Ayokong iwan ka, Jimin. Gusto ko bumalik sayo ng buo at walang sakit na nilalabanan. Hintayin mo ko, please.

I love you.

Yoongi

--

05/05/13

Dear Jimin,

Kahapon ako nakarating sa New York, Jimin. Hindi alam ng pamilya ko na may sakit ako kaya pakiramdam ko, sobra sobrang pasakit yung bigay ko sakanila pagdating ko dito. Ico-confine na ako, Jimin. Kumusta ka kaya dyan? Sana ako pa rin yung mahal mo. Araw-araw kong pinagdarasal na sana hindi mo ko makalimutan kasi ako? Hindi ko kayang kalimutan ka. Mahal na mahal kita, Jimin ko. Magpapagaling ako para sayo basta hintayin mo lang akong makabalik.

Yoongi

--

06/17/13

Dear Jimin,

Hi Park Jimin ko. Alam mo ba, ang daming kung ano anong gustong gawin sakin ng mga doctor dito. Minsan nahihirapan na ako pero ikaw ang naiisip ko. Ikaw lang naman yung dahilan kung bakit ako lumalaban sa sakit ko. Gusto na kitang makita pero alam kong matagal pa bago mangyari yon. Kumakain ka ba ng tama? Sana hindi mo pinapabayaan yung sarili mo.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon