CHAPTER 43

2.5K 133 170
                                    

CHAPTER 43

Napalunok ako saka hinigpitan yung hawak ko sa strap ng bag ko. Bakit ba ganito kalakas yung tibok ng puso ko? Kinakabahan ako. Kagabi pa ako naghahanda sa kung ano man yung sasabihin sakin nung nagpapadala nung sulat.

Nandito na ako sa Hangang Park at hinihintay kong may lumapit sakin para sabihin na sya yung nagpapadala ng sulat sakin.

Hindi ko pa rin makalimutan yung nakita ko. Yung paghalik ni Yoongi kay Gab para lang hindi sabihin sakin ni Gab yung mga alam nya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang itago sakin yon.

"Jimin." Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Napakunot yung noo ko nung nakita ko si GD na naglalakad papalapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakita ko yung pagngiti ni GD sa tanong ko, "I don't know that you're stupid, Jimin. Ako yung nagpapadala sayo ng pictures at letters."

"Ikaw?" Tanong ko kaya tumango si GD. Hindi ako makapagsalita sa sinabi nya. Kaya ba ako kinaibigan ni GD dati dahil kay Yoongi? Hindi ko maintindihan. Nalilito na ako.

"Let's go to the coffee shop. Mas masarap magkwentuhan don kesa dito sa labas." Sabi ni GD. Para syang nang-aasar sa tono ng pananalita nya pero hindi ko na lang pinansin yon at sinundan ko si GD papunta sa malapit na coffee shop.

Naghanap kami ng pwesto sa coffee shop at doon kami umupo. Hindi ako makapaniwalang si GD ang magsasabi sakin ng lahat ng tinatago ni Yoongi.

"Sabi mo sa letter, sasabihin mo sakin lahat ng nangyari noon. Now, tell me everything I need to know GD." Sabi ko. Nakatingin lang sakin si GD habang nakangiti.

"Don't be so excited, Jimin. What drink do you want? My treat." Sabi nya. Napayukom yung kamao ko dahil para akong ginagago ni GD.

"Hindi ako pumunta dito para ilibre mo. Pumunta ako dito para malaman yung totoo kaya kung gagaguhin mo lang din ako, aalis na lang ako." Sabi ko saka tumayo na. Naglakad na ako paalis nung bigla kong nakasalubong si Gab.

Anong ginagawa nya dito?

Napangiti si Gab nung nakita nya ako, "Aalis ka na agad? Hindi mo man lang ako hinintay, Jimin."

"What are you talking about?" Tanong ko. Hinawakan ni Gab yung kamay ko saka ako hinatak pabalik sa pwesto namin nila GD.

Umupo ulit ako sa upuan ko at si Gab naman, umupo sya sa tabi ni GD.

"Kilala nyo yung isa't-isa?" Tanong ko. Tumango sila pareho, "GD is my half-brother." Sabi ni Gab.

Hindi ko alam yon.

"So, you're here because you want to know what happened to Yoongi, right?" Tanong nya. Tumango ako. Akala ko hindi sasabihin sakin ni Gab yung totoo dahil nangako sya kay Yoongi.

"I won't tell you everything because I want you to ask him what really happened but I will tell you the biggest lie he said to you." Sabi ni Gab.

Eto na yung hinihintay ko. Pakiramdam ko, malapit na akong atakihin sa puso dahil sa sobrang kaba.

"He's not Min Yoongi. Ibang tao yung akala mong si Yoongi. I will not tell you where the real Yoongi is. You should ask his brother, Min Suga, about the one you love." Sabi ni Gab saka ako ningitian.

Hindi pumapasok sa utak ko lahat ng narinig ko. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Gab na hindi si Yoongi yung kasama ko lagi. Gusto kong marinig lahat ng to kay Yoongi mismo.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now