CHAPTER 13

2.7K 137 53
                                    

CHAPTER 13

Pumunta ako sa bar ngayon. Solo flight lang ako dahil wala akong balak yayain yung mga tropa ko. Ayoko nga, baka mabigwasan ako ni Jin eh. Malapit na kasi exam namin kaya bawal kami pumunta sa bar ngayon.

"Here's your drink, sir." Sabi nung waiter pagkaabot nya sakin nung alak ko. Tinanguan ko lang sya kasi hindi ko naman alam kung ano yung sinabi nya. English eh bwisit.

"Hindi ako bading at hindi ako magiging bading." Bulong ko sa sarili ko saka nilagok yung alak. Mali si Jungkook ng akala. Wala akong gusto kay Yoongi at kayang kaya kong patunayan sa kanya yon.

"Hey." Napatingin ako don sa isang babae na tumabi sakin. Hindi ko alam na may birthday party pala dito sa bar at may invited na clown.

Tinanguan ko lang sya. Iinom na sana ako ulit nung naramdaman ko yung kamay nya sa may pantalon ko, "Wanna play?" Tanong nya saka ako kinindatan.

"Wow, feeling chucky to. Wanna play amputa." Sabi ko saka ininom yung alak.

"Alam mo, kanina pa kita tinitignan and you caught my attention. Ang gwapo mo." Binulong nya sa tainga ko mismo. Napangisi tuloy ako sa sinabi nya.

"Alam ko na yan." Sabi ko. Hinawakan nya ulit yung legs ko saka yun hinimas-himas. Lalaki ako, wag mo kong ginaganito.

"Kailangan mo ba ng kausap? Pwede ako." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya saka sya ningitian.

Kung kanina lang, nagkekwentuhan kami tungkol sa mga bagay tungkol samin, ngayon hindi ko namalayan na nasa cr na pala kami pareho.

Nakakapit lang sya sakin habang hinahalikan ko sya. Kung pambura lang siguro yung likuran ni Chloe, kanina pa burado yung pintura nung pader sa sobrang wild naming dalawa.

Humiwalay ako sandali para habulin yung hininga ko. Hinatak nya ako papasok sa isang cubicle at sinara ko agad yon.

Binaba ko yung zipper ng dress nya habang hinahalikan yung leeg nya nung nakarinig ako ng tumatawag ng pangalan ko.

"Jimin! Lumabas ka sa CR na to dahil napapaligiran ka na namin!" Sigaw ni Taehyung. Napakaepal talaga ng mga tropa ko kahit kailan!

"Sino yo--" tinakpan ko agad yung bibig ni Chloe para hindi sya marinig nila Taehyung.

"Sigurado ka bang nakita mo sya dito Yoongi? Baka naman maliit na tao lang yung nakita mo pero hindi si Jimin yon ah!" Hayop na Taehyung to, nanlait pa! Pero teka, si Yoongi yung kasama nya?

"Nakita ko sya na pumasok dito. Teka, dyan ka lang." Sabi ni Yoongi. Napalunok na lang ako habang nagdarasal sa mga santo na hindi nila ako makita kasama si Chloe dahil baka bigwasan na ako ng tuluyan ni Jin.

"Wala nga sya dito. Tara na." Narinig kong sabi ni Yoongi kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagbilang muna ako hanggang sampu bago kami lumabas.

"Wala na ba sila?" Tanong ni Chloe.

Tumango ako at nagulat ako nung hawakan ni Chloe yung pisngi ko at hahalikan sana ako ulit pero umiwas ako, "Landi mo. Tara na nga." Sabi ko.

Binuksan ko na yung pintuan ng cubicle at nagulat ako nung makita ko si Yoongi saka si Taehyung na naghihintay samin sa may pintuan.

"Hi?" Sabi ko saka kumaway sa kanila. Tinignan ko si Chloe saka sya sinenyasan na umalis na sya.

Kinindatan ako ni Chloe saka hinalikan sa pisngi, "Next time ulit, babe." Sabi nya bago kami iwan nila Taehyung.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now