CHAPTER 25

2.8K 135 64
                                    

CHAPTER 25

"Nasan ka na?" Sabi ni Namjoon pagkasagot ko pa lang ng tawag.

"Teka lang. Malapit na ako." Sabi ko habang tumatakbo ako pababa ng hagdan. Bwisit kasi yung prof namin, humirit pa ng extra 10 mins para lang magdiscuss.

"Bilisan mo, baka abutan tayo ng traffic." Sabi nya. Mas binilisan ko pa yung takbo ko at wala akong pakialam kahit nabubunggo ko na yung ibang tao na nakakasalubong ko.

"Hindi yan, malapit na ako sa parking lot." Sabi ko nung natatanaw ko yung sasakyan ni Namjoon.

Pinatay ko na yung tawag pagkapasok ko sa sasakyan ni Namjoon. Ako na lang pala yung hinihintay nila.

"Bakit ba ang tagal mo?" Tanong ni Jungkook.

"Bwisit kasi yung prof namin eh. Wala naman kaming natututunan sa kanya tapos nag-overtime pa nakakabwisit." Sabi ko saka uminom ng tubig dahil hinihingal ako.

Ang haba kaya ng tinakbo ko dahil malayo yung building ko sa parking lot.

"Let's go to Coex!" Sigaw ni Hobi nung nagsimula nang mag-drive si Namjoon.

"Ang ingay puta." Sabi ni Taehyung kaya binatukan sya ni Hobi at nagsimula na silang magbatukan.

Bakit kaya hindi nagkatuluyan si Taehyung saka si Hobi?

Sa unang tingin saming magto-tropa, sila talaga yung mapagkakamalan mo na mag-boyfriend kasi ang sweet ng dalawang to eh.

"Manahimik nga kayong dalawa dyan." Sabi ni Jin kaya natahimik yung dalawa.

"Baka kayong dalawa yung magkatuluyan." Sabi ni Namjoon saka ngumisi habang nakatingin kela Taehyung sa rear-view mirror.

"Ew, I don't like horse." Sabi ni Taehyung at nagsimula na naman silang magharutan ni Hobi.

Napairap na lang ako saka tumingin sa labas. Natanaw ko na yung Coex kaya mas lalo akong kinabahan.

Magkikita na rin tayo Yoongi.

"Wag kang kabahan, hyung. Gwapo ka naman ngayon eh. Bagay na bagay nga sayo yung orange mong buhok." Sabi ni Jungkook habang tinatapik-tapik yung balikat ko.

"Oo nga." Sabi ni Hobi, "Saka kung hindi sya nainlove sayo dati, ngayon maiinlove na sya sayo."

"Paano kung hindi?" Tanong ko.

"Maiinlove yon sayo. Pustahan tayo?" Tanong nya. Umiling ako, "Wag na lang, sige na panalo ka na."

Gusto ko rin namang mahalin ako ni Yoongi kaya hindi na ako makikipagpustahan.

"We're here." Sabi ni Namjoon saka pinark yung sasakyan.

Mas bumilis yung tibok ng puso ko. Nanginginig kong binuksan yung pintuan ng sasakyan saka lumabas.

Maraming tao yung pumapasok sa Coex. May mga artista rin akong nakikita pero wala akong pakialam sa kanila. Isa lang naman yung pinunta ko dito.

Si Yoongi yon.

"Tara na." Sabi ni Namjoon kaya sinundan namin sya papasok sa Coex. Ilang beses na rin kasi nakanuod si Namjoon ng fashion shows dito sa Coex kaya nireserve kami ng upuan sa second row.

Madaming connections si Namjoon dahil anak sya ng CEO ng Kim Incorporation at kahit ayaw nyang magtrabaho don, wala syang magagawa.

"Jin hyung." Pagtawag ko sa pangalan nya, "Kinakabahan ako."

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon