CHAPTER 30

2.6K 141 63
                                    

CHAPTER 30

Inaantok akong umupo sa kama ko saka sinuklay yung buhok ko gamit yung kamay ko. Napatingin ako sa Yoongi na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Yoongi." Sabi ko saka sya sinubukang gisingin. Gumalaw sya pero hindi man lang nya sinubukang buksan yung mga mata nya.

"Ang cute nyang matulog." Sabi ko habang nakatitig kay Yoongi na tulog na tulog pa rin.

Halos ilang minuto rin akong nakatitig kay Yoongi nung bigla akong nakarinig ng katok galing sa pintuan.

"Jimin hyung, kakain na tayo." Narinig kong sabi ni Jungkook.

Shit, di nga pala nila alam na nandito si Yoongi. Bago pa buksan ni Jungkook yung pintuan, tumakbo na ako papunta sa pintuan saka yon binuksan pero hindi ganon kalaki para hindi nya makita si Yoongi.

"Sige, bababa na ako. Maghihilamos lang ako." Sabi ko. Napakunot yung noo ni Jungkook sa ginawa ko pero tumango na lang sya saka bumaba.

Sinara ko na yung pintuan saka huminga ng malalim. Madalas ko kasing hinahayaan lang si Jungkook na pumasok sa kwarto ko para gisingin ako pero ngayon, hindi ko sya pinapasok.

"Are you hiding me from your friends?" Napatalon ako sa gulat nung narinig kong nagsalita si Yoongi.

Nakaupo na sya sa kama habang gulo-gulo pa yung buhok nya. Umiling ako saka lumapit sa kanya, "No, magtataka kasi yon kung bakit ka nandito."

"Makikita rin naman nila ako pagbumaba na tayo." Sabi nya. Napakamot ako sa ulo ko. Isang mahabang paliwanagan na naman to.

"Tara na nga." Sabi ko. Kumuha ako ng extra na tuwalya sa closet ko saka binato sa mukha ni Yoongi, "Maghilamos ka muna."

Tinuro ko yung cr ko kaya pumunta muna si Yoongi don para maghilamos. Nagsuklay muna ako ng buhok saka naghilamos na rin nung natapos na si Yoongi.

"Paano ko kaya ie-explain?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Napapikit ako ng mariin saka nag-toothbrush. Bahala na nga.

Lumabas na ako sa cr at nakita ko si Yoongi na kinakalikot yung cellphone ko. Tumakbo agad ako para kunin yung phone ko sa kanya pero wala, huli na ako.

"Ako pala yung wallpaper mo." Sabi nya saka ako ningitian. Inagaw ko sa kamay nya yung phone ko saka tinago yon sa bulsa ko.

"Masama bang i-wallpaper ka?" Tanong ko.

Kinurot bigla ni Yoongi yung pisngi ko, "Hay, ang cute mo talaga."

Napahawak ako sa pisngi ko kasi ang sakit ng pagkakakurot ni Yoongi, "Nambola ka pa. Tara na nga, kanina pa nila tayo hinihintay."

Bumaba na kami ni Yoongi at nakita ko silang nag-uusap usap habang nagtatawanan pa sila.

"Goodmorning Ji...min." Biglang humina yung boses ni Hobi nung binati nya ako. Nakatingin sya kay Yoongi na kasunod ko lang bumaba.

Tumingin rin yung mga kaibigan ko at lahat sila, napaawang yung labi nung makita nila si Yoongi.

"Let me explain." Sabi ko sakanila. Hindi pa rin sila makapaniwalang nandito si Yoongi. Parang pinoproseso pa ng utak nila na nasa harapan nila yung kaibigan naming matagal na naming hindi nakasama.

"Y-Yoongi hyung..." Sabi ni Jungkook saka sya lumunok. Tinignan nya sila Namjoon at parang nagtatanungan sila kung sino yung unang magtatanong ng mga tanong na alam kong kanina pa nila gusto itanong.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now