CHAPTER 24

2.7K 126 17
                                    

CHAPTER 24

Buong araw lang siguro akong nakatulala. Hindi ko pa rin makalimutan yung nakita ko sa billboard. Alam kong si Yoongi yon, imposibleng hindi si Yoongi yon dahil kamukhang kamukha nya si Yoongi.

"Jimin, are you okay?" Napatingin ako sa prof ko nung tanungin nya ako. Napahawak ako sa batok ko saka umiling, "May I go to clinic, sir?"

Tumango sya sakin kaya kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng room. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala ako sa katinuan para mag-aral ngayon.

Saktong nakatanggap ako ng text galing kay Jungkook. Tapos na rin siguro yung klase nya kaya kahit ayoko maging third wheel sa kanila ni Arian, pumayag pa rin akong sumama sa kanila.

"Papunta na ako." Sabi ko pagka-accept ko ng tawag ni Jungkook.

["Sige hyung. Bilisan mo."] sabi nya saka ako pinatayan ng tawag. Bastos na bata tong si Jungkook.

Pumunta na ako sa SFC Building para kitain yung dalawa. Ang haba pa ng nilakbay ko para lang maging third wheel sa kanilang dalawa.

Pagdating ko sa backstairs ng 3rd floor, nakita ko sila don na magkayakap kaya umubo ako ng malakas.

"Bawal PDA dito." Sabi ko kaya napatingin sila sakin pareho saka tumawa.

"Okay lang yan, makakahanap ka rin ng lovelife mo." Sabi ni Arian saka ako kinindatan. Nag-holding hands muna sila ni Jungkook bago pumunta sakin.

"Mahahanap mo rin si Yoongi." Sabi ni Jungkook.

Naalala ko na naman si Yoongi.

Siniko ni Arian si Jungkook saka ako tinignan. Ningitian ko lang sila pareho saka sinabing, "Tara, libre nyo na ako."

"Sino nga sya ulit?" Tanong ni Jungkook saka ako tinuro kaya pabiro ko syang sinapak sa braso.

"Gago."

"Nabingi ata ako nung nakarinig ako ng salitang libre." Sabi ni Arian saka humawak sa tainga nya. Bagay na bagay talaga tong dalawa na to. Malas ng magiging anak nila, parehong baliw yung magulang nila.

"Punyeta kayo ah." Sabi ko kaya natawa sila.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Jungkook nung nakarating kami sa parking lot saka pumunta sa condo ni Arian.

Hindi ko nga alam kung bakit napapaligiran ako ng mga mayayaman at kaibigan ko pa sila.

"Akala ko pa naman pupunta tayo sa resto nila Arian." Sabi ko pagkarating namin sa condo nila.

"Mas masarap magluto yung baby ko." Sabi ni Jungkook saka hinalikan yung kamay ni Arian. Napairap na lang ako sa sobrang landi ng dalawang to.

"Binobola mo na naman ako." Sabi ni Arian habang naglalakad kami papunta sa unit ni Arian.

"Hindi ah." Sabi ni Jungkook saka inakbayan si Arian.

Nilabas ko yung cellphone ko saka pinindot yung snapchat na app. Vinideo ko yung dalawang malandi sa harapan ko saka pinakita sa video kung paano ko sila i-pakyu.

"Snap." Bulong ko pagkatapos kong videohan yung dalawa. Pumasok na kami sa unit ni Arian at tumakbo agad ako papunta sa couch nya saka humiga.

"Feel at home ka talaga." Sabi ni Jungkook saka umupo don sa isa pang upuan.

"Gusto ko humiga eh." Sabi ko saka tumingin ng magazine sa ilalim ng table.

"Wala ka bang FHM man lang na magazine? Puta puro si Joong ki nakikita ko." Sigaw ko kay Arian na nasa kusina.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now