CHAPTER 36

2.8K 147 120
                                    

CHAPTER 36

First time ko atang umuwi ng bahay ng ganito kasaya. Para akong nasa langit nung umamin sakin si Yoongi. Kung pwede ko lang irecord yung pagsabi nya ng I love you, nirecord ko na eh.

"Ang saya nya oh. Porket may lovelife na." Sabi ni Taehyung nung nadaanan ko sya. Mas lalo akong napangiti nung sinabi nya yon.

"Ang harot nga nila kanina nung nagkita-kita tayo eh. Akala nyo may forever? Ulol, walang ganon." Sabi ni Hobi kaya binatukan ko sya. Wala talagang forever sa mga taong bitter.

"Bahala kayo dyan." Sabi ko saka umakyat sa kwarto ko.

Hinubad ko na yung damit ko at kukunin ko sana yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko pero may papel akong nakapa. Kinuha ko yon saka umupo sa kama ko.

"Sino kaya naglagay neto don?" Tanong ko. Hindi lang pala sya bastang papel, picture pala to.

Binuksan ko yon at napakunot yung noo ko sa nakita ko. Si Yoongi yung nasa picture habang nasa ospital sya at para syang may sakit.

Nakatingin lang ako sa picture habang iniisip kung bakit nasa ospital si Yoongi. Parang dati pa tong picture na to kasi kulay brown pa yung buhok nya dito.

Tinago ko agad yung picture sa ilalim ng unan ko nung nakita kong pumasok si Jin hyung sa kwarto ko, "Kakain na tayo."

Ngumiti ako saka tumango, "Sige, hyung. Susunod na lang ako."

Lumabas na si Jin hyung kaya kinuha ko ulit yung picture. May masama akong kutob sa picture pero parang imposible.

Napatingin ako sa phone ko nung nag-vibrate yon at nakita kong may message galing kay Yoongi.

Min Yoongi: Hey, love. Aren't you tired?

Napangiti ako sa nabasa ko. Tinawag nya akong love. Ang sarap pala sa pakiramdam na yung taong dati lang pinapangarap mo, ngayon sayong sayo na sya. Hindi ako nagkamaling hintayin sya ng ilang taon para lang mahalin nya rin ako.

Park Jimin: Hindi naman ako pagod. Why did you ask, love?

Love din yung tawagan nila Jin hyung at Namjoon hyung but who cares. Mahal na mahal ko talaga tong lalaking to at kahit kailan, he never failed to make me fall inlove even more.

Min Yoongi: You're always running in my mind that's why I asked if you're not tired yet. I love you, Jimin. :)

Kung nandito lang siguro sya, makikita na nya yung pamumula ng pisngi ko. Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa mga sinasabi ng lalaking to.

Park Jimin: Damn, I'm not ready. I love you more, Min Yoongi.

Narinig ko yung pagtawag sakin ni Jin hyung kaya bumaba na ako. Kanina pa pala nila ako hinihintay.

Umupo na ako sa upuan ko saka kami nagsimulang kumain. Naramdaman ko yung pagtitig nila sakin habang kumakain kami kaya huminto ako sa pagkain.

"If you want to ask questions, you can." Sabi ko. Nagkita kami kaninang lahat kasama si Yoongi pero hindi pa nila alam kung ano talaga yung nangyari. Basta naging sweet na lang kami ni Yoongi sa isa't-isa.

"Kayo na ba?" Tanong ni Namjoon hyung. Umiling ako. Hindi pa kami pero we both have mutual feelings for each other.

"So, MU kayo?" Tanong ulit ni Namjoon hyung.

"Malanding ugnayan." Sabi ni Jungkook kaya binatukan sya ni Taehyung.

"Nagseselos ka no?" Sabi ni Taehyung kay Jungkook. Napakunot yung noo ni Jungkook sa sinabi ni Taehyung, "Kung dati pa siguro nangyari to, oo magseselos talaga ako pero may Arian na ako kaya hindi ako nagseselos, loner."

One Kiss, One Lie | yoonminDove le storie prendono vita. Scoprilo ora